Kilalanin ang binatilyong kamukhang-kamukha ng yumaong aktor na si Rico Yan - The Daily Sentry


Kilalanin ang binatilyong kamukhang-kamukha ng yumaong aktor na si Rico Yan



Pakiramdam ng mga netizens ay nabuhay muli ang dating matinee idol na si Rico Yan sa katauhan ng isang binatilyo.
Rico Yan at Alfonso “Alfy” Yan-Tueres / Photo credit to the owner

Siya ay si Alfonso “Alfy” Yan-Tueres, anak ng kapatid ni Rico Yan na si Geraldine.

Kitang kita sa mga litrato ang malaking pagkakahawig ng mag tito at marami ang nagsasabi na pwedeng ipagpatuloy ng binatilyo ang nasimulang career noon ni Rico na nawala sa edad na 27.

Sa edad na 14 ay pinayagan na siya ng kanyang mga magulang na pasukin ang mundo ng showbiz dahil napatunayan naman nitong kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at pagmomodelo.
Alfonso “Alfy” Yan-Tueres / Photo credit to the owner
Rico Yan at Alfonso “Alfy” Yan-Tueres / Photo credit to the owner

Noon pa man daw ay pangarap na ni Alfy ang mag-artista. Gaya ng kanyang tito, papasukin muna niya ang mundo ng commercials at dito muna gagawa ng pangalan bago mag-umpisa sa pag-aartista.

Sa ngayon ay nag-aaral pa si Alfy at ipinagmamalaki siya ng kanyang ina dahil isa siyang academic awardee. 
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Noong March 2002, namatay si Rico dahil sa “cardi@c @rrest resulting from hem0rrhagic pancreatitis” habang nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Puerto Princesa, Palawan.

Marami-rami ring nagawang teleserye at pelikula si Rico, kabilang na ang blockbuster hit na “Got 2 Believe” with his onscreen and real-life partner Claudine Barretto.

Napanood din siya sa youth-oriented show na “Gimik” at sa mga Kapamilya soap opera na “Mara Clara,” “Mula Sa Puso” at “Esperanza” kasama si Judy Ann Santos.


***
Source: Inquirer