Plantita Aubrey Miles, malaking lupain ang naipundar ng dahil sa pagbebenta ng halaman. - The Daily Sentry


Plantita Aubrey Miles, malaking lupain ang naipundar ng dahil sa pagbebenta ng halaman.



Isang certified plantita nga na maituturing ang aktres at fitness trainer na si Aubrey Miles dahil sa hilig nito sa pag aalaga ng mga halaman.

At dahil nga sa lawak na nga karanasan nito sa paghahalaman, ginawa na rin niyang negosyo ang pagbebenta nito partikular na sa kanyang mga kaibigan.




"I have this expensive plant. I’ll cut it. I’ll grow it then I’ll sell it ... Not in public but I sell it to my personal friends." Sabi ni Aubrey.

Matatandaang halos magkaubusan ng iba't ibang uri ng mga halaman mula ng magumpisa ang lockdown dahil sa pandemya.

Dahil nga dito ay kanya-kanyang bili at alaga na ang mga plantito at plantita ng iba't ibang klase ng berdeng damo sa kanilang mga bakuran.

Sandel Aubrey | Facebook

Sandel Aubrey | Facebook


Ngunit bago pa man daw mauso ito ay matagal nang nag-aalaga si Aubrey. Sa katunayan, bata pa lang ay napapalibutan na raw ito ng mga halaman.

At mas lalo raw tumindi ang pagkahumaling nito noong ipinagbubuntis niya ang kanyang pangalawang anak na lalake. Tamad pa nga raw ito kaya imbis na magdilig sa labas ay minabuti niya na lang na ipasok ang mga ito sa loob ng bahay.

Sandel Aubrey | Facebook

Sandel Aubrey | Facebook


"Actually mga 12 years ago, ito ’yung buntis ako sa second son ko, medyo tamad ako mag-garden so ang ginawa ko ’yung plants ko from my garden pinasok ko sa loob" kwento ni Aubrey.

Tinatayang nasa mahigit 100 plant species na ang nasa koleksiyon ng aktres at naibahagi nga rin nito na ang kanyang pinakamahal na halaman ay nagkakahalaga ng P300,000.

Sandel Aubrey | Facebook

Sandel Aubrey | Facebook


Propagation naman ang tawag sa ginagawang proseso ni Aubrey pagdating sa pagbebenta ng kanyang mga plants, kung saan pinputol niya ito hanggang sa tumubong muli.

Buong pagmamalaki naman nito na malaking parte ng kanyang mga kinita ay naipambili nila ng kanyang asawang si Troy ng malaking property sa Antipolo City.

"Would you believe that parts of this investment ay 'katas ng halaman?' Maraming makaka relate" caption nito sa isang larawan kasama ang kanyang pamilya.

Sandel Aubrey | Facebook

Sandel Aubrey | Facebook



Source: Push