Babae, naoperahan sa appendix matapos 2 yrs magpigil ng utot tuwing kasama ang BF dahil nahihiya raw syang gawin ito - The Daily Sentry


Babae, naoperahan sa appendix matapos 2 yrs magpigil ng utot tuwing kasama ang BF dahil nahihiya raw syang gawin ito





Sinong mag-aakala na ang simpleng pagpipigil pala ng utot ay magdudulot na ng malaking perwisyo at magiging sanhi ng isang malalang sakit? Iyan ang kakaibang sinapit ng isang 19 taong gulang na babae dahil sa naturang gawain. 


Sa loob ng dalawang taon, ito ang nakagawiang gawin ni Cara Clarke na pilit pinipigilan ang kanyang utot sa tuwing kasama ang kanyang boyfriend dahil sa isang dahilan. 




Kwento nya, sadyang pinipigilan nyang magpakawala ng masamang amoy mula sa kanyang tiyan habang kasama nya ang kanyang kasintahan ngunit hindi raw nya sukat akalain na hahantong pala ito sa ganito kalalang sitwasyon kung saan naging banta na ito sa kanyang pansariling kalusugan. 


“I do hold in my farts but I didn’t think I would be in hospital over it”, pahayag ng aminadong dalaga sa isang panayam.


Aniya, isang araw, sa kalagitnaan ng kanyang trabaho sa kanyang coffee shop ay bigla na lang umanong nakaramdam si Cara ng labis-labis na pananakit ng tiyan. Dahil dito ay agaran siyang tumawag ng doctor na agad naman raw siyang nirekomendahang magtungo na sa hospital sa lalong madaling panahon. 


“I was in so much pain, I couldn’t hold in my tears, I was limping when I was walking hunched over” saad ng dalaga.


Sa ospital ay inamin ni Cara sa mga doctor na pinipigilan niyang umutot kapag kasama niya ang kanyang nobyo.


Isang bagay na lakas loob nyang sinabi kahit mahirap paniwalaan.






Sinisi naman nya ng bahagya ang kanyang boyfriend dahil sya pa raw mismo ang naging dahilan kung bakit nya ginawa ang bagay na ito sa tinagal tagal na panahon.


“At hospital, I started blaming my boyfriend because I do always hold my farts in around him. We've been together for two years and it’s still the case” dagdag pa ni Cara.


Samantala, lumabas naman sa kanyang blood test na pumutok na ang kanyang Appendix, isang kondisyon na mas kilala sa tawag na Appendicitis. Dulot nito ay kinailangan niyang sumailalim sa isang operasyon upang tanggalin ang mahalagang parte ng kanyang katawan.


Sa kabilang banda, ang kasintahan ni Cara na si Kyle na 21 na taong gulang ay napabalitang halos mamatay na sa kakatawa dahil sa pinagdaanan ng dalaga.


“He honestly didn’t know what to say. He said, “God, people are going to think you’re afraid of everything with me” pabiro nitong sambit sa dalaga.


Salamat naman sa Diyos, matagumpay na naisagawa ang operasyon ni Cara.


“It was pretty busy so I was there overnight and then the next day, they did the operation in the afternoon, that’s when I got my appendix out.”


Huwebes naman ng gabi noong ma-discharge ang dalaga sa hospital, kasunod nito ay umiinom siya ng painkillers at umaasang makakabalik na sa kanyang trabaho sa susunod na linggo.







Hindi naman inaasahan ni Cara na papatok sa TikTok ang kakaiba niyang karanasan,


Aniya,  “I didn’t expect it to go viral overnight.”


Sa huli ay natuto na si Cara na huwag pigilan ang kanyang utot, 


“At this stage, I’ll just have to let it out from now on.”


Magsilbi nawang paalala ito sa ating lahat na higit kailanman, hindi nararapat at huwag na huwag papasok sa ating mga isipan na isakripisyo ang ating kalusugan dahil nag-iisa lang ating katawan na titirahan habang tayo ay nandito sa mundong ibabaw. 


Nagpipigil ka rin ba ng iyong utot minsan? Anong masasabi mo sa istoryang ito ni Cara Clarke at Kyle Duffy?