Dalaga pa rin daw manamit at pumorma kahit may anak na! Hindi naman masama ang mag-ayos diba? - The Daily Sentry


Dalaga pa rin daw manamit at pumorma kahit may anak na! Hindi naman masama ang mag-ayos diba?



Napakalaking responsibilidad ang maging isang magulang lalo na ang maging ina. Nandyan ang halos wala ka ng oras para sa sarili mo dahil kulang pa ang buong araw mo sa lahat ng iyong kailangan gawin.

Housewife man o may trabahong nanay ay walang ligtas sa walang katapusang gawaing bahay at pag-aaruga sa kanilang pamilya at mga anak.




JuJu Valdez-Tala | Facebook

JuJu Valdez-Tala | Facebook


Dahil dito, hindi napapansin ng mga dakilang ina na napapabayaan na nila ang sarili nila. Losyang, manang, haggard! 'Yan ang mga madalas ibatong salita ng mga hindi naiitindahan ang bigat ng pasanin ng pagiging may bahay.

Pero ibahin niyo si Mamshie Juju Valdez-Tala, "MAY ANAK NA PERO FEELING DALAGA PA DIN MANAMIT"

Pusturang pustura kasi ito habang tangan ang kanyang anak sa kanyang trending Facebook post.

Dito raw kasi sa Pilipinas, madalas kapag nanay ka, hindi kana pwedeng magdamit dalaga, magpa-sexy o magpaganda.

Ang tingin ng iba ay hindi na ito naayon sa iyong sitwasyon. Kung minsan ay napagbibintangan pang pabaya sa pamilya o anak.

"Yes it’s true, mahirap maging nanay. You need to wash your baby’s clothes, sanitize bottles, feed, comfort, in short WALANG DAY OFF." ani Juju.

JuJu Valdez-Tala | Facebook

JuJu Valdez-Tala | Facebook


Ayon pa sa trending mamshie, totoo daw na dahil mahirap ang maging magulang, hindi maiiwasan ang pakiramdam na nakaka-panget maging nanay.

"There are times I feel ugly too and that’s the reason I always choose to make myself pretty whenever possible. I don’t have anything against moms who don’t get the time to do skin care or make up." dagdag nito.

Wala namang problema kung hindi ka mahilig mag-ayos at magpaganda. Paglilinaw nito, nasa tao na talaga kung paano nila gustong dalhin ang kanilang mga sarili.

Lahat naman ng ina ay may kanya-kanyang kwento ng sakripisyo kaya't hindi na kailangan pang bigyan ng pansin o husgahan base sa kanilang pananamit at hitsura. Ang importante ay naaalagan ng maayos ang kanilang pamilya. 

"Again, iba iba tayo ng way to express ourselves. IF IT MAKES SOMEONE HAPPY AND IT DOESN’T HURT YOU, LET THEM."

JuJu Valdez-Tala | Facebook