Ito na pala ang buhay ngayon ni Thalia aka Marimar, mukhang teenager parin kahit 51 years old na! - The Daily Sentry


Ito na pala ang buhay ngayon ni Thalia aka Marimar, mukhang teenager parin kahit 51 years old na!



 

Larawan mula sa allure

Si Ariadna Thalia Sodi Miranda o nakilala sa pangalang Thalia ay isang Mexican star na ipinanganak noong August 26, 1971. Si Thalia ang gumanap sa telenovela na Marimar na ipinalabas noon sa Pilipinas.


Isa na sa nakagawian ng bawat Pilipino ang panunuod ng telebisyon na talaga namang napapahanga sa mga magagandang palabas lalo na sa mga drama at love story kung saan ay naaantig ang ating damdamin dahil sa ganda ng mga eksena na napapanuod.

Larawan mula sa allure

Larawan mula sa allure

Matatandaan na ang Mexican drama ang naunang nagpaantig sa ating mga damdamin noong unang umere ang telenovela na "Marimar" kung saan ay pinagbidahan ito ni Thalia at kapareha nitong si Sergio.


Ilang ulit naman nating nasilayan si Thalia sa kanyang mga ginampanang telenovela na mapapanuod sa telebisyon katulad ng Marimar, Maria La del Barrio, Rosalinda at Maria Mercedez na talaga namang bentang-benta sa mga manunuod.


Unang ipinakita ni Thalia ang kanyang kahanga-hangang talento sa "Marimar" na isang drama romance na ipinalabas sa GMA Network.

Larawan mula sa allure

Larawan mula sa allure

Dahil sa husay sa pag-arte ni Thalia sa kanyang mga ginampanang role ay marami siyang napaiyak at napasaya na mga manunuod dahil sa kanyang mga kahanga-hangang mga eksena.


Sa loob ng halos isang dekada ay pinatunayan ni Thalia ang kanyang angking talento sa pag-arte at ipinakita sa mga manunuod na karapat-dapat siyang tawagin na isang "Queen of Telenovelas".


Matapos ang mga naging palabas ni Thalia sa iba't-ibang bansa, ngayon ay patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag bilang isang aktres at singer sa kanilang bansang Mexico.

Larawan mula sa allure

Larawan mula sa allure

Sa ngayon ay nakamtam na ni Thalia ang tamis ng tagumpay sa kanyang buhay dahil na rin sa kanyang pagsisikap na may kasamang tiyaga sa trabaho kung kaya naman mayroon siya ngayong nakakalulang Net Worth na 60 milyon dollars.


Dahil hindi waldas at marunong humawak si Thalia ng kanyang pinagpagurang pera ay masaya niyang tinatamasa ang marangyang pamumuhay ngayon kasama ang kanyang pamilya.


Bukod sa matagumpay niyang naging karera ngayon ay napangasawa naman ni Thalia si Tommy Mottola at biniyayaan ang labingpitong taon na kanilang pagsasama ng dalawang anak na sina Sabrina Sakae at Matthew Alejandro.

Larawan mula sa gettyimages

Larawan mula sa gettyimages

Talaga nga namang sinubok na ng panahon ang kanilang pagsasama kaya naman makikita na matatag na ang kanilang relasyon na hindi maitatanggi na mahal na mahal nila ang isat-isa.


***