Julia Clarete at ang dahilan nito para iwanan ang mundo ng showbiz, muling inalala. - The Daily Sentry


Julia Clarete at ang dahilan nito para iwanan ang mundo ng showbiz, muling inalala.



Isa sa mga in-demand na aktres noon at napatunayan ang husay sa pagganap sa iba't ibang role, may angking talento sa pag awit at mas hinangaan pa nang maging bahagi ng longest running noontime show na Eat Bulaga.

'Yan si Julia Clarete o Edda Giselle Rosetta Nuñez Clarette sa totoong buhay.




Taong 1996 nang magsimula itong pasukin ang showbiz at unang nakilala ito bilang bahagi ng "Star Circle" Batch 4. Maraming pintuan ang nagbukas at naging dahilan para maibahagi ni Julia ang kanyang mga talento lalo na pagdating sa TV hosting.

Naging matagumpay ang karera nito sa loob ng halos dalawang dekada niya sa industriya. Samu't saring pelikula at mga tv shows rin ang nagawa nito. Naisa-telebisyon rin ang buhay niya sa programang Magpakailanman noong 2005.

Julia Clarete | Facebook

Julia Clarete | Facebook


Ngunit sa kabila ng tagumpay na ito ay nilisan ni Julia ang mundo ng showbiz at ang kanyang pag-hohost sa Eat bulaga kung saan nagwagi pa ito ng "Outsanding Female Host in a Musical or Variety Program".

Marami ang nagtaka at nagtanong kung ano nga ba ang naging dahilan ng paglisan nito sa industriya.

Kaya naman muli itong binalikan at binigyang linaw ni Julia sa kanyang panayam kay Toni Gonzaga sa programang 'I Feel U'.

Julia Clarete | Facebook

Julia Clarete | Facebook


2015 nang lisanin ng actress/TV host ang Pilipinas para magpunta sa Malaysia. Ito ang naging dahilan para talikuran ni Julia ang pag-aartista. "Try something else naman" anito.

Dito na siya nakapang-asawa at bumuo ng pamilya. Matatandaan na-issue pa ito noon bago umalis ng Pilipinas na kung saan ay siya raw ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Ciara Sotto at dati nitong asawa. Ngunit mariing itinanggi ni Julia ang isyung ito.

Julia Clarete | Facebook

Julia Clarete | Facebook


Pag-amin pa nito, hindi naging madali para sa kanya na talikuran ang showbiz.

"The first thing I did was just constantly pray kasi by then, you get peace of mind. You really just ask for guidance from God kung ano ba talaga ang gusto niya for you" ani Julia.

At sa pagtungo nga nito sa ibang bansa ay nagkaroon siya ng pagkakataon upang subukan ang ibang bagay maliban sa pag-aartista. Kasama na rito ang pagiging ina sa kanyang anak na si Sebastian.

Julia Clarete | Facebook


Kung dito sa Pilipinas ay todo kayod siya sa trabaho para sa kanyang anak, kabaligtaran naman ng ito'y mapunta sa Malaysia kung saan mas natutukan nito ang pag-aalaga sa anak kasama ang asawang si Gareth. "You're just my mom now!" masayang banggit raw anak nitong si Seb.

Mabigat man sa loob nito na iwanan ang kanyang minahal na trabaho ay wala namang naramdamang pagsisisi si Julia sa kanyang naging desisyon.