Kilalanin kung sino at gaano nga ba kayaman si Neil Arce, ang lalaking bumihag sa puso ni Angel Locsin - The Daily Sentry


Kilalanin kung sino at gaano nga ba kayaman si Neil Arce, ang lalaking bumihag sa puso ni Angel Locsin



 

Larawan mula sa theasianpokertour

Ating kilalanin ang lalaking bumihag sa puso ng isa sa pinakasikat at pinakamahusay na aktres sa larangan ng showbiz na si Angelica Locsin Colmenares o kilala sa pangalang Angel Locsin.


Sino nga naman ang hindi mapapatanong kung ano nga ba ang pagkatao ng lalaki na ito dahil napapayag lang naman niyang pakasalan ang respetado at beteranang aktres na si Angel Locsin.


Ang misteryosong lalaki na ito ay walang iba kundi si Neil Antonius Arce na ipinanganak noong March 15, 1983 sa Quezon City.

Larawan mula sa therealangelocsin/mymetrophoto

Larawan mula sa therealangelocsin/mymetrophoto

Ang kanyang ama ay si Mauro Arce at ang kanyang ina naman ay si Jean Arce. Napagalaman na si Neil ay may isang anak na lalaki na labing apat na taong gulang na ngayon sa nauna nitong karelasyon na kalaunan ay naghiwalay din.


Ayon sa balita, nagmula si Neil sa isang prominenteng pamilya na mga negosyante dahil ang kanyang pamilya ay nagmamay-ari ng isang sikat na local brand ng icecream dito sa Pilipinas na 'ArceDairy' at 'Selecta' na itinayo ito ng kanyang lolo na si Ramon Acre Sr. noong taong 1935.


Napagalaman din na si Neil ay isang film producer, director, writer, businessman at professional poker player.

Larawan mula sa therealangelocsin/mymetrophoto

Larawan mula sa therealangelocsin/mymetrophoto

Bago pa man pasukin ni Neil ang pagpoproduce ng mga pelikula sa bansa ay nauna muna siyang naging isang promenenteng manlalaro ng poker sa bansa.


Si Neil ang isa sa pinakamahusay na manlalaro ng poker dito sa Pilipinas at sa katunayan nga ay isa na siya sa founder ng pinakamalaking poker room sa buong Asia na 'Metro Card Club'.


Dahil sa kanyang family background at sobrang galing nito sa paglalaro ng poker ay binansagan siya bilang 'Dirty Icecream'.

Larawan mula sa therealangelocsin/mymetrophoto

Larawan mula sa therealangelocsin/mymetrophoto

Taong 2009 ay naging champion si Neil sa Asian Poker Tournament dito sa Pilipinas kung saan ay nanalo ito ng $185,000 o katumbas ng 9 million pesos.


Bukod sa pagiging professional na poker player ay pinasok din ni Neil ang pagiging film producer kung saan nai-produce nya ang pelikulang 10,000 hours noong 2013, Sid and Aya, Love Story, Camp Sawi, Last Night, Ulan at iba pa.

Larawan mula sa therealangelocsin/mymetrophoto

Larawan mula sa therealangelocsin/mymetrophoto

Sa kanya namang buhay pag-ibig ay kapansin-pansin na puro mga kilalang personalidad ang kanyang mga nakarelasyon katulad nina Maxene Magalona na umabot ng halos dalawang taon at Bella Padilla na umabot naman ng apat na taon at ngayon ay ang kanyang pinakasalan na si Angel Locsin.


***