Misis ni Vhong Navarro, binasag na ang katahimikan patungkol sa kaso ng kanyang asawa - The Daily Sentry


Misis ni Vhong Navarro, binasag na ang katahimikan patungkol sa kaso ng kanyang asawa




Emosyonal na humarap sa media si Tanya Bautista-Navarro, ang asawa ng kilalang TV host-comedian na si Vhong Navarro kaugnay sa kasalukuyang kasong hinaharap nito.

Sa isang media conference na ginanap sa isang lugar sa Quezon City nitong September 21, inilahad ni Tanya na nangangamba siya sa buhay ng kanyang asawa dahil sa posibleng paglipat nito sa Taguig City jail.


“That’s very scary. Threat yun sa buhay niya. I think our lawyers also filed a motion para hindi na umabot doon. Ako right now, ang worry ko is security for Vhong. So lalaban kami at alam ko na ipapanalo namin ito," pahayag niya.




“Bago ako umalis kanina umiyak na naman siya. Siguro ang hirap talaga mag-process ng walang kausap kasi hindi naman niya kilala yung mga andun. Mabilis lang yung usapan namin kasi ina-update ko siya sa mga balita ni Atty. Mallonga. Kagabi ko lang talaga nakausap yung dalawang boys niya. It was the longest two days of our lives. I was referring to the back-to-back warrants of arrest,” dagdag pa niya.

Inamin ni Tanya na may nagawang pagkakasala sa kanya ang kanyang asawa ngunit sila'y magkasintahan pa lamang nito. Sinabi din niya na hindi niya masyadong pinapansin ang mga lumalabas sa social media.

“Thank you but I don’t read. Hindi ako ganun ka strong. Hindi rin naman lahat naniniwala kay Vhong. So I’d rather not read. Yung mga friends namin nagpapadala ng mga screen shots. Hindi ako pumasok sa commitment sa kanya for nothing. Noong nangyari ito, magboyfriend, girlfriend pa lamang kami. Nakita ko kung gaano siya nagsasabi ng tutoo kaya pinakasalan ko pa rin siya. Bumabawi talaga siya. Sobrang importante nun sa akin and and this happened," 
pahayag ng maybahay ng TV host-comedian.


Vhong at Tanya ay magkasama ng labing apat na taon at halos tatlong taon na bilang mag-asawa. Ikinasal sila sa Kyoto, Japan noong Nobyembre 28, 2019.




Source: 1