Netizen Dismayado sa Kamag-anak na 'Ungrateful' Matapos Umangal sa Binigay niyang Regalo! - The Daily Sentry


Netizen Dismayado sa Kamag-anak na 'Ungrateful' Matapos Umangal sa Binigay niyang Regalo!



Photo credit to Chiloy Medrocillo | Facebook

Likas na sa ating mga Pilipino o isa na sa ating nakasanayan na tuwing nakatatanggap ng biyaya o 'blessings' ay ibahagi ito sa iba. Nariyan ang pagbibigay ng regalo sa pamilya, kamag-anak at kaibigan bilang pasasalamat sa biyayang nakamit.

Ika nga, 'Share your blessings to others and multiply your happiness'.

Simple man o bongga ang regalo ay dapat na pinahahalagahan dahil ito ay taos-puso at patunay na kahit sa munting paraan ay naalala tayong bigyan ng ating mahal sa buhay.

Ngunit sadyang may mga tao atang hindi 'grateful' o hindi marunong tumanaw ng utang na loob o magbigay pasasalamat sa biyayang natatanggap.

Tulad na lamang ng nangyari sa netizen na si Chiloy Medrocillo na nagbahagi ng kanyang pagkadismaya sa isang kamag-anak dahil diumano na imbes na magpasamalat ito sa binigay na regalo ay nagreklamo pa.

Sa sobrang galit ay ibinahagi ni Chiloy sa social media ang screenshot ng kanilang pag-uusap nang kanyang pinsan kung saan makikita ang pagrereklamo ng huli sa binigay niyang regalo.



Photo credit to Chiloy Medrocillo | Facebook

Sa 'chat' na iyon makikita rin ang larawan ng mga regalo ni Chiloy na bags, t-shirt at chocolates na diumano nga ay hindi nagustuhan at hindi na-'appreciate' ng kanyang mga kamag-anak.

Ayon sa pinsan ni Chiloy, disappointed raw sila sa kakaunting regalong natanggap at mas ok pa raw na hindi na lamang siya nagbigay para hindi na lamang sila na-'offend' sa mga ito at para walang nangyaring samaan ng loob.

Dagdag pa raw nila na masyadong mataas ang kanilang 'expectations' kay Chiloy kaya naman sobra rin ang kanilang disappointment na ganon lamang raw ang binigay nito.

Dahil sa mga salitang iyon, na-trigger ang galit ni Chiloy kaya kanyang ibinahagi sa pamamagitan ng isang Facebook post ang kanyang pagkadismaya.

Photo credit to Chiloy Medrocillo | Facebook

Aniya, Bilib siya sa kapal ng mukha ng pinsan sa paraan ng pagpapasalamat nito.

"Bag o lang kuya salapo muni nga parinti or pakaisa belib gd kuya sa kapal ka muak mo..amo pa na e message mu sa iya pasalamat ka nalng tani hay nami ka nail cuteron", post ni Chiloy.

Sa huli ay ipinagkibit balikat na lamang ni Chiloy ang pangyayari at pinagkatuwaan na lamang ang mga komentong natanggap sa kanyang post na hindi niya inaasahang magba-viral online at makatatanggap ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizens. 



Source: Chiloy Medrocillo | Facebook