Sharon Cuneta, tinangkang bumili ng sinturon pero tablado sa Hermès store! Namakyaw na lang tuloy sa Louis Vuitton. - The Daily Sentry


Sharon Cuneta, tinangkang bumili ng sinturon pero tablado sa Hermès store! Namakyaw na lang tuloy sa Louis Vuitton.



Hindi pinapasok sa Hermès Store sa Seoul South Korea ang Mega Star na si Sharon Cuneta. Ito ang mainit na pinaguusapan ngayon sa social media nang ibahagi mismo ito ng aktres sa kanyang YouTube channel.

Seoul-searching ang drama sa recent Korea trip ni Sharon kasama ang kanyang pamilya kung saan napiling mag-bonding ng mga ito.




Sa kanilang paglilibot habang tinatanaw ang mga magagandang lugar at naghahanap ng masasarap na pagkain o makakainan ay napadpad ito sa isang shopping mall sa Seoul.

Sa Shinsegae Department Store ang sumunod nilang destinasyon at dito na nga na-cancel ang tangkang pagpasok ng Mega Star sa Hermès Store.

"Turned away at the Hermes Store" yan ang caption ni ate Shawie sa kanyang video.

Sharon Cuneta Network | YouTube

Sharon Cuneta Network | YouTube


May medyo slight na pag-irap pa ang mega sa receptionist ha! habang lumalakad papalayo sa store.

Pero ang sumunod na eksena naman nasa tindahan naman ng Louis Vuitton ang grupo nito at tila resbak sa pelikula ang nangyari dahil sa dami ng pinamili nila rito.

Bilang pasasalamat ng store ay binigyan nila ng bulaklak at alak ang batikang aktres na siya naman ikinatuwa nito.

Sharon Cuneta Network | YouTube

Sharon Cuneta Network | YouTube


"I got champagne and flowers! Thank you Louis Vuitton!" -anito.

Nai-chika pa nito sa mga naka-ututang dilang staff na kinse anyos pa lang ay nagtatrabaho na ito bilang artista kaya naman hindi na nakapagtataka na super afford nito ang mga items sa mamahaling tindahan.

Bumwelta naman ito at naglakad pabalik sa tumabla sakanyang receptionist ng Hermès Store sabay sinabing. "No more! I buy everything."

Nais lang naman daw kasi nitong bumili ng sinturon ng Hermès ngunit sa di inaasahang pagkakataon ay hindi ito pinapasok.

Hindi naman maiwasan ng mga mapanghusgang netizens na punahin ang simpleng damit daw ni Shawie na marahil naging dahilan ng hindi pagtanggap sa kanya. Ngunit ayon naman sa ilan ay kailangan daw ng appointment bago makapasok sa tindahang ito.

Mayroon din namang tinitignan ang anggulong tila may diskrimasyon na ginawa ang staff ng Hermès kay Sharon Cuneta kaya hiling nila ay sana'y masilip ng pamunuan ang pangyayaring ito.