Anak ni Ka Freddie na si Maegan Aguilar, ayaw ipa-hawak sa pamilya o kamaganak ang kanyang bangkay kapag siya'y namatay. - The Daily Sentry


Anak ni Ka Freddie na si Maegan Aguilar, ayaw ipa-hawak sa pamilya o kamaganak ang kanyang bangkay kapag siya'y namatay.



Nakakapangilabot na habilin! Ganito katindi at kasukdulan ang nanunuot na galit sa dibdib ni Maegan Aguilar.

Nauna ng dumulog sa programang "Raffy Tulfo in Action" upang humingi ng tulong sa sakit nitong hyperthyroidism (isang kondisyon sa lalamunan o goiter) at pinaunlakan naman ito ng senador. Pinasuri at binigyan ng 20k pesos para makahanap ng matitirhan.




Nangako rin si Senator Raffy na ibubuhos ang lahat ng tulong na kakailangananin nito sa oras na mag- negatibo siya sa isasagawang drug test. Agad kumasa ang singer at ayon sa kanya ay 15-anyos pa lang siya noong huling makatikim ng 'MJ'.

Ngunit nitong March 3 ay nadismaya si idol dahil positive ang anak ni Ka-Freddie Aguilar sa ipinagbabawal na gamot. At gaya ng napagusapan ay hindi na itutuloy ng senador ang pagtulong dito.

Maegan Verona Aguilar | Facebook

Maegan Verona Aguilar | Facebook


Inalok din niya ito na magpa-rehab ngunit tumanggi ito. Iginalang naman nito ang karapatang tumanggi kaya wala ng magagawa pa ang programa para sa kanya.

"Nagsinungaling kayo sa akin once, ano pong guarantee na hindi kayo magsinungaling for the second time, na aayusin n’yo na po ‘yung buhay n’yo," saad ng senador.

Matapos nito ay naglabas ng sensitibong video si Maegan at ibinahagi ang kanyang saloobin. Sa mga oras na iyon ay siya'y naglalakad at naghahanap daw ito ng mataas na gusali habang pinagbabantaan ang sariling buhay.

Maegan Verona Aguilar | Facebook

Maegan Verona Aguilar | Facebook


"Tatalon ako, abangan niyo!" Hindi naman natapos ang video at kalauna'y burado na raw ang orihinal na kopya sa social media.

Matatandaang nagkaroon ng kasunduan si Maegan at amang si Ka Freddie noon kung saan ay makakatungtong lamang daw ito sa kanyang pamamahay kapag napatunayan niya na hindi na siya gumagamit at nagbago na siya.

Sa ngayon ay wala pang naiiulat tungkol sa kalagayan ng dating singer.

Maegan Verona Aguilar | Facebook

Maegan Verona Aguilar | Facebook