Ininom pa daw ang dugo! Sanggol sa Iloilo, pinaslang ng sariling ina - The Daily Sentry

Sunday, December 9, 2018



Ininom pa daw ang dugo! Sanggol sa Iloilo, pinaslang ng sariling ina



Composite photos from Bombo Radyo Iloilo
Paano kung ang sarili mong Ina, na siyang gumaganap bilang ‘ilaw ng tahanan’ at mag – aalaga sa iyo mula sa unang mulat ng iyong mata hangga’t mamulat ka sa katotohahanan ay nabigo itong gampanan?

Paano kung ang sarili mong Ina, na dapat ay magbibigay sa iyo ng pag – unawa at pagmamahal na hihigit pa ninuman ay tinalikuran ka at iniwan ka lang sa lansangan?


Paano kung ang sarili mong Ina, ay pagmamalupitan ka at siya ring babawi ng buhay mo?

Ganito ang sinapit ng isang walong (8) buwang sanggol matapos itong ginilitan sa leeg ng sarili nitong ina at di – umanoý nagawa pang inumin ang dugo nito.

Nangyari ang karumaldumal na krimen sa Sitio Alang – alang, Barangay California, probinsya ng Barotac Viejo sa Iloilo.
Photo from Bombo Radyo Iloilo
Sa panayam ng Bombo Radyo News sa Hepe ng Barotac Viejo Municipal Police Station (MPS) na si Chief Inspector Joven Arevalo, inaresto ang ngayoý nakakulong na hindi – pinangalanang ina na nasa 28 – taong gulang ang edad.

Gumamit umano ang suspek ng isang matalim na bagay na kung tawagin ay “pisaw” at isang gunting upang paslangin ang sarili nitong anak.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naiwan sa bahay ang biktimang sanggol kasama ang nakatatandang kapatid nito at ang ina habang nagpasyang umalis ang ama upang manguha ng gulay sa bukid.

Ayon sa salaysay ng 4 – taong gulang panganay na anak ng mag – asawa, inutusan aniya siya ng kanyang ina na manghiram ng gunting at “pisaw” sa kanilang kapitbahay. Hindi umano inaasahan ng inosenteng bata na may balak palang masama ang kanyang ina sa bunsong kapatid.
Photo from Bombo Radyo Iloilo
Napag – alaman sa naunang balita na ginamit ng ginang ang pisaw at gunting bilang panghiwa sa leeg ng kawawang sanggol.

Nang makauwi ang ama, nakita na lamang nitong nakahandusay sa lababo ang wala nang buhay na sanggol katabi ng duguang ina.

Laking hinala ng mister na sinipsip ng ginang ang dugo ng sarili nitong anak dahil maging ang bibig nito ay puno ng dugo.

Giit naman ni Chief Inspector Arevalo na dumanas ng tinatawag na ‘post-partum’ depression ang ginang dahil palagi umanong nag – aaway ang mag – asawa.

Una nang napansin ni mister na tila balisa at kakaiba ang kilos ng kinakasama nitong mga nakaraang araw sa di – maipaliwanag na dahilan. Nakuha pa daw nitong mamalagi sa bahay ng kanyang mga magulang sa San Rafael, Iloilo kamakailan lang.

Kasalukuyan nang nakapihit ang suspek sa bilanggu-an ng Barotac Viejo MPS dahil desidido umanong sampahan ng kaso ni mister ang ina ng nalalabi nitong anak.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: kami.com.ph