Isang ina humihingi ng tulong para sa mga gamot ng sanggol nyang maysakit - The Daily Sentry


Isang ina humihingi ng tulong para sa mga gamot ng sanggol nyang maysakit



Litrato mula sa facebook account ni Marielle Joy Atienza
Isang ina mula sa San Fernando Pampanga ang nanawagan ngayon sa social media dahil sa kanyang anak na maysakit.

Si Marielle Joy Atienza any nagbahagi ng video ng kanyang sanggol na anak na si Yhiuna na kung saan kitang-kita ang hirap ng kalagayan ng bata.

Ayon sa Facebook post ni Marielle, ang kasalukuyang pinagdadaanan ngayon ng sanggol ay Migrating Focal Seizure of Infancy With Dysautonomia and Cerebral Palsy with Apnea with Gastrosthomy and Tracheostomy insertion.


Hindi maitago ang lungkot ni Marielle dahil sa nakikita niyang pinagdadaanan ng kanyang anak.

"Ayoko na anak nakikita kang ganito huhuhu! Laban anak please Tulad ng paglaban mo sa Mga una nating Laban.. Laban anak Please Tulad ng Paglaban sa Lahat ng Nilagpasan nating Pagsubok na Ultimo Sarili mong Buhay Kinalaban natin fight Lang Anak ko.. Alam naming Lahat kaya mo yan!
Fight Lang anak Ko..."

Litrato mula sa facebook account ni Marielle Joy Atienza
Litrato mula sa facebook account ni Marielle Joy Atienza


Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Marielle na mahal na mahal nya ang kanyang baby at lahat gagawin niya para gumaling si baby Yhiuna.

"Sobrang Mahal na Mahal ka namin ng Daddy mo at kapatid mo..at mga Tito and Tita mo anak..a nd lola and lolo mo at mga taong nagmamahal sayo anak ko...Dito lang kami..mahal na mahal ka namin.."


Humihingi ngayon si Marielle ng tulong sa lahat ng may mabubuting puso para sa agarang paggaling ng sanggol niya.

Sa mga gustong tumulong, maari po kayong diretsang magpadala sa GCASH account ni Marielle - 09060198677.

"Kahit Tig 10 lang po makaipon lang kami pang Gamot ni Baby Salamat po Anjan po GCash namin ni baby..," pakiusap niya.

Maari rin kayong magbigay ng tulong sa mga bank account na nasa ibaba:

Litrato mula sa Facebook account mismo ni Marielle.

Nagpapasalamat ngayon si Marielle sa lahat ng mga tumulong at kasalukuyang tumutulong sa kanila. "Maraming Salamat po Sa Help para kay Baby Dumating napo Mga tulong nio po salamat po!," aniya sa isang Facebook post.

Narito ang video ni baby Yhiuna. Maselan po ang video:



Source: Marielle Joy Atienza / Facebook