Karla Estrada, Namataang Kasama Ang Gwapong BF sa Palawan - The Daily Sentry


Karla Estrada, Namataang Kasama Ang Gwapong BF sa Palawan



Larawang pinagsama mula sa PEP
Ano etong nababalitang ang ina ng sikat na teen actor ay merong bagong sibol na lovelife? Kumakailan lang, nabalitang nagbakasyon sa Coron, Palawan ang actress na si Karla Estrada kasama ang kanyang mga kaibigan. Netong October 8 at 9, nabalitang hindi lang pala mga kaibigan ang kasama nya.

Meron din palang high-lights ang balita na kasama nya ang kanyang brand new boyfriend. At ayon nga sa tweet nya, magalak etong itinambad ang post na “God’s amazing creation”, hashtag enchantingcoron, hashtah bananaisland, at hastag happylife. Nakakaloka ang isla de banana.

Sino nga ba si Karla Estrada? Para sa mga hindi pa nakakailala, ang tunay na pangalan nya ay Carla Estrada Ford. Ipinanganak noong November 21,1974  sa Tacloban, Leyte. Pagkatapos nyang ipanganak ay umalis ang kanyang ama sa kadahilanang akala ng tatay nya ay wala syang buhay nang sya ay iluwal.
Larawan mula sa ABS-CBN
Ayon sa isang kabanata ng Maala-ala mo kaya na inilalathala ang kanyang buhay, ipinanganak sya sa isang mayamang pamilya na napilitang lumipat sa Tacloban matapos mam4tay ang kanyang lolo na responsable sa kanilang kabuhayan. Nang dahil sa kagustohang magartista ni Karla, sumali sya mga patimpalak ng kantahan hanggang sa madiskobre sya ng isang talent manager na nag dala sa kanya sa That’s Entertainment. Sya rin ang ina ng isang matinee idol na si Daniel Padilla na kung saan isinilang nya eto sa edad na 20.

Ngayon balik tayo sa chika; Ayon sa balita, bakas sa kanyang mga mukha sa mga larawan nila ang kasiyahan dahil sa kasama neto ang kanyang insperasyon. Agad namang sinuportahan ng mga kaibigan nya ang kanyang tweet sa pamamagitan ng pagpost ng puso. Sa na rito sa sumuporta sina Sunshine Cruz, Jonathan Velasco, atbp.
Larawan mula sa PEP
Kung ating natatandaan, naihayag nya sa publiko ang kanyang gwapong nobyo netong Agusto lamang sa isang anniversary ng isang bar na nagngangalang District 8 resto bar na isa rin sa mga nagmamay-ari ay ang kanyang anak na si Daniel.
Larawan mula sa MSN
Hindi lang yon, nakita rin si Karla na kasama ang kanyang gwapong jowa nung nagdaos ng 75th birthday ang kanyang ina. Ayon pa kay Karla, wala naman daw syang problema sa mga anak nya tungkol sa kanyang bagong lovelife. Bagkos, napaka supportive pa dawn g mga eto.

Source: Youtube