Kauna-unahang Mansion ni Manny Pacquiao sa General Santos, Ipinasilip - The Daily Sentry


Kauna-unahang Mansion ni Manny Pacquiao sa General Santos, Ipinasilip



Larawang pinagsama mula sa Real Living
Marami sa atin ang pinapangarap na magkaroon ng sariling bahay na masasabi natin na nanggaling talaga sa ating sipag at tiyaga. Ito din ay isa sa mga pangarap na nais natin matupad, makapagpatayo ng sariling bahay kasama ang ating pamilya, maaari din nating ipakita kung sino nga ba tayo ng hindi iniisip ang iisipin ng ibang tao tungkol satin.

Ngunit, hindi din naman madali na buuin o itayo ang pangarap na meron tayo katulad ng pangarap na bahay na nais natin. Ngunit, mayroong ilang tao na nagawa ito at nagsilbing inspirasyon ng marami sa atin na nais din makamit ang katulad ng pangarap na mayroon sila.

Katulad na lamang ng isa mga influential Filipino couples sa bansa na sina Jinkee at Manny Pacquiao. Hindi lamang dahil sa mga business na mayroon sila, investments, at ang magandang pamilya at estilo ng pamumuhay, ngunit kung paano nila itrato ang mga simpleng tao sa kabila ng pagkakaroon ng maraming bagay.
Larawan mula sa Real Living
Sila ay may katanyagan, kayamanan, pagmamahal, at ang Panginoon. Talaga namang nakakapagbigay ng inspirasyon ang pamilyang ito na ang sentro ng kanilang buhay ay ang Panginoon.
Larawan mula sa Real Living
Dahil dito, hindi nakakapagtaka kung gaano sila ka-blessed sa kanilang buhay. At kamakailan lamang nga ay binisita ng mag-asawa ang kanilang kauna-unahang mansion sa General Santos City. Nagbahagi din ng ilang mga litrato si Jinkee ng kanilang mansion sa kaniyang Instagram account na talaga namang nagpamangha sa ating mga netizens. Tinawag nila ang kauna-unahang mansion sa kanilang hometown bilang Mansion 1 at mayroon din silang isa pang mansion na pinangalanan nila biilang Mansion 2.

Bumalik din ang mga alaala kay Jinkee nanag ilarawan niya ang kanilang mansion bilang blessing na ipinagkaloob ng Panginoon at ito din ang naging unang tirahan nila. Ang kapatid naman ni Jinkee na si Haydee Jamora ay nagkomento at sinabi na ang kanilang Mansion 1 ay mas maganda kumpara sa Mansion 2.
Larawan mula sa Real Living
Ang kambal na kapatid naman na si Jinkee na si Janet Jamora ay nagbahagi din ng ilang sulyap sa magandang tirahan ng pamilyang Pacquiao. Ang mag-asawa ay nagkaroon pa ng isang litrato sa kanilang magandang outdoor furniture sa garden ng kanilang bahay. Marami naman sa ating mga netizens ang kinumpara ang mag-asawa sa mag-asawang sina Richard at Lucy Torres-Gomez.
Si Manny at Jinkee ay unang nagkakilala sa loob ng shopping mall dahil ang tiyuhin ni Jinkee ay naging trainer ni Manny at isa sa naging rason para sa kanilang magandang love story. Noong 2000, nagpakasal ang dalawa at ngayon ay mayroon ng 5 mga anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, May Divine Grace, Queen Elizabeth, at Israel.

Source: Online True Stories