Matandang lalaki, pinagtulungan matapos akusahang nambastos ng babae sa bus; anak rumesbak! - The Daily Sentry


Matandang lalaki, pinagtulungan matapos akusahang nambastos ng babae sa bus; anak rumesbak!




Screen-capped image mula sa Facebook 



Mabilis na kumalat sa social media ang video ng isang matanda at isang babae na parehong pasahero ng mini bus, na tila nagsasagutan.

Maya-maya pa ay nagbangayan na nga ang dalawang nabanggit na pasahero, kung saan bago bumaba ng mini bus ang babae ang hinampas nya ng kanyang dalang bag ang matandang naka-sagutan.

Kinuyog at pinag tulungan 

At ang mga sumu-sunod na mga pangyayari ay may mga kabataang lalaki na ang nag-akyatan sa bus at pinag-susuntok na ang matanda at hinahatak ito pababa ng bus.

Ang mga nasabing mga kalalakihan ay tila kakilala ng babae, marahil taga doon din sa lugar na iyon ang babae.

Kinuyog na ng mga kabataan ang kawawang matanda, hindi na ito nakapalag at wala nang nagawa kundi sumunod na sa mga lalaking hawak-hawak ang kanyang damit.

Kalunos-lunos ang sinapit ng matanda, nagtamo ng maraming pasa sa mukha dulot ng pambubugbog sa kanya ng mga kalalakihan.

Hindi na napigilan ng isang netizen na maglabas ng sama ng loob sa social media matapos ang kaawa-awang sinapit ng kanyang ama.

Bukod sa nagtamo na ito ng pambubugbog ay inakusahan pang nambastos ang kanyang ama sa babaeng nakasakay nito sa nasabing bus.

Katotohanan lumabas sa CCTV footage

Sa Facebook post ni Xian Mabait, anak ng matandang lalaki sa nasabing insidente, ipinakita nito ang kuha ng CCTV mula sa loob ng bus kung saan naganap ang kumosyon.

Makikita ang kanyang ama na umakyat ng bus at agad umandar ang sinaskyang bus. Kaya naman bahagyang na-out of balance ang kanyang tatay habang uupo ito sa pinakamalapit na upuan .

Habang nakahawak sa istribo si tatay ay napaharap ito sa babae sa kaliwa at muli ay tila na-out of balance at halos mapasubsob na sa babae.

Ikinagalit ito ng babae kaya agad itong lumipat ng upuan. Makikita na patuloy sa pagsasalita ang babae at tila nagsasagutan na sila ng matanda.

Bagaman walang audio ang nasabing video ay kaya naman hindi malinaw ang mga sinabi bg kanilang pagtatalo.

Ayaw paawat ng babaeng galit na galit

Galit na galit ang babae, maging ang driver ay umawat na sa babae kaya naman makikita na tila nagsasagutan din sila nito.

Walang nagawa ang mga pasahero kundi manood na lamang sa nangyayaring kumosyon. Walang naglakas ng loob umawat mula sa mga ito.

Makalipas ang ilang sandali ay pumara na ang babae ngunit bago ito bumaba ay makikita hinampas nito ang matandang lalaki at pinagbabato ng kanyang dalang bag.

Hindi na rin napigilang gumanti ng matadang lalaki marahil dala ng emosyon at inundayan nito ng sipa ang babae habang pababa ng bus.

Nagtawag ng back-up

Ngunit, agad bumalik ang babae at may kasama itong ilang kalalakihang umakyat sa loob ng bus at sinuntok na ang matanda.

Makikita rin na sa video na hinablot ang damit ng matanda bago kinaladkad pababa ng bus at kung saan na sya dinala.

Sa Facebook post na in-upload ni Xian kasama ang video at ilang mga pictures ni tatay, makikita si tatay sa loob ng barangay na tinatakpan nya ang kanyang mukha at puro dugo ang hawak na panyo at may mga pasa na sa mukha.

Dagdag pa ni Xian, na may hypertension ang kanynag tatay at ika-ika na ito kung maglakad. Hindi rin daw ito lasing at hindi rin totoong nanghipo ito o nambastos tulad ng nakalagay sa blotter sa baranggay.

 Sa kabila nito, patuloy pa rin daw ang kaniyang paniniwala na hindi sya pabor sa mga nang-aabuso ng mgakababaihan. Ngunit, nararapat lang daw na gamitin ang karapatan ng isang babae sa tama.

Mga netizens nang gigil sa babae

Samantala, mabilis nag-viral sa social media ang pang yayaring ito at maraming netizens ang sobrang nagalit sa babae. Narito ang kanilang mga pahayag:

Well... Madaming ganyan na pasahero... Feeling importante pero sa PUV sumasakay. Ayaw madikitan ayaw masiksik gusto niya kumportable lang siya... Para sayo te, muka ka namang pok2 kung mag inarte ka! Karma na lang bahala sayo dimple.”

“mukhang p*** lang naman sya...galit aq sa mga ganyang klase ng babae kla mo di mahawakan...wala naman ginawa sa kanya ung lalaki...

“Iika ika na nga maglakad tapos umaandar pa ang sasakyan tapos pagod pa, tapos sasaktan niyo pa mga walang respeto!

“sir ilaban nyo po yan.. ireklamo nyo po kay sir raffy cgurado mananagot yang mga yan..

“Ganyan talaga sa bus na yan e. Kaya todo hawak ako pag sumasakay, na out of balance lang si tatay kala mo naman hihipuan or ikikiss ka. Trending ka tuloy, hindi lang jan sa bambang kundi pati sa fb. Hahahahah… dapat sa inyo makulong.






Source: KAMI