Pinakamagandang mga Aktres sa Mundo ng Showbiz - The Daily Sentry


Pinakamagandang mga Aktres sa Mundo ng Showbiz



Larawang pinagsama mula sa Google
Alam naman natin na ang industriya ng showbiz sa Pilipinas ay lugar na kung saan madaming mga artista na bawat isa sa kanila ay mayroong iba't ibang talento at mayroong kani-kaniyang ganda at charms.

Narito ang 10 pinakamagandang artista sa buong Pilipinas na mayroong kakaiba at natatanging personalidad sa likod ng kanilang walang katumbas na ganda:

10. Kathryn Bernardo
Larawan mula sa Wiki
Si Kathryn Bernardo ay isang Filipina actress na tinagurian bilang "Teen Queen" at naging kilala sa kaniyang ginampanang papel bilang Mara sa sikat na primetime teleserye na Mara Clara.

9. Liza Soberano
Larawan mula sa PH Star
Si Liza Soberano ay half-Filipino at half-American. Siya ay nagsimulang gumanap sa ilang pelikula at teleserye katulad ng Wansapanataym, Kung Ako'y Iiwan Mo, She's the One, at Must Be... Love. Siya ay mas naging kilala ng siya ay maging lead role ng sikat na teleserye na Forevermore kung saan kasama niya ang kaniyang on and off cam partner na si Enrique Gil.

8. Kim Chui
Larawan mula sa Inquirer
Si Kim Chui ay isang aktres, singer, recording artis, at host. Siya ay tinagurian bilang "Chinita Princess". Siya ay naging kilala at nagsimula sa showbiz industry sa edad na 16 matapos siyang manalo sa reality show na Pinoy Big Brother.

7. Loisa Andalio
Larawan mula sa PH Star
Si Loisa Andalio ay isang aktres, dancer, at singer. Siya ay unang nakita sa telebisyon ng siya ay maging housemate ng Pinoy Big Brother: All In.

6. Nadine Lustre
Larawan mula sa PEP
Si Nadine Lustre ay isang aktres, singer. at music video director. Siya din ay dating naging miyembor ng all-female group na Pop Girls. Siya ay naging kilala matapos maging lead role ng sikat na pelikula na Diary Ng Panget.

5. Maine Mendoza
Larawan mula sa Google
Si Maine Mendoza ay isang aktres, komedyante, host, television at Internet personality, writer, product endorser, at singer-songwriter. Siya ay naging kilala matpos maging viral ng kaniyang mga Dubsmash videos at ng gampanan niya ang papel bilang Yaya Dub sa noontime variety show ng GMA na Eat Bulaga.

4. Angel Locsin
Larawan mula sa Twitter
Si Angel Locsin ay isang television at film actress, commercial model, film producer, at fashion designer. Siya ay naging kilala matapos gampanan ang papel blang Alwina sa serye na Mulawin noong 2004 at ng siya ay naging Darna sa TV adaptation ng Mars Ravelo eponymous comic.

3. Sarah Geronimo
Larawan mula sa Google
Si Sarah Geronimo ay isang singer, dancer, songwriter, record producer, aktres, at television personality. Nagsimula ang kaniyang karera sa larangan ng musika sa edad na 14.

2. Janella Salvador
Larawan mula sa Pinterest
Si Janella Salvador ay isang aktres at singer. Siya ay naging kilala ng siya ay gumanap sa teleserye na Be Careful With My Heart at sa ilang pelikula katulad ng Oh My G!, Haunted Mansion, Born for You, at So Connected. Siya din ay kumanta sa Disney at nanalo ng tatlong PMPC Awards at FAMAS Award.

1. Marian Rivera
Larawan mula sa Yahoo News
Si Marian Rivera ay isang aktres at model. Naging kilala din siya sa mga papel na kaniyang ginampanan sa ilang mga pelikula at serye kagaya ng Marimar, Dyesebel, Amaya, at Temptation of Wife.

Source: Youtube