Silipin Ang Simple Ngunit Eleganteng Bahay ni Megastar Sharon Cuneta - The Daily Sentry


Silipin Ang Simple Ngunit Eleganteng Bahay ni Megastar Sharon Cuneta



Larawang pinagsama mula sa Google at Real Living
Si Megastar Sharon Cuneta ay isa sa mga sikat at beteranong aktres sa mundo ng showbiz. Marami na din siyang proyekto at mga albums ng kaniyang kanta ang nailabas, kaya't hindi nakakapagtaka na isa siya sa mga Pinoy celebs na mayroong simple ngunit eleganteng bahay sa Pilipinas.
Larawan mula sa Google
Naipundar ni Sharon ang ganito kaeleganteng bahay sa pamamagitan ng mga perang kaniyang pinagtrabahuhan ng matagal sa industriya ng showbiz.

Ang disenyo ng kaniyang bahay ay mayroong lamang mga light colors katulad ng puti at brown. Simple lang din ang loob nito.
Larawan mula sa Real Living
Larawan mula sa Real Living
Ang kaniyang banyo din ay simple ngunit elegate. Ito ay may kulay na pinaghalong brown, grey, at white ang banyo nito. Mayroong isang salamin na nakadikit sa pader, mayroon din siyang mga lalagyanan ng iba't ibang produkto, at mayroong isang lalagyan ng mga twalya.
Larawan mula sa Real Living
Ang bahay din ni Sharon Cuneta ay madalas na tinatawag na "The Fortress" ng kaniyang mga kaibigan, base sa ulat ng Real Living Philippines.
Larawan mula sa Real Living
Sa bahay din ng Megastar, siya ay nagpagawa ng isang 2-storey guest house na maaaring pagtuluyan ng kaniyang mga bisita na talaga namang maaari silang magsaya ng hindi naiistorbo ang relaxation time ni Sharon Cuneta.

Ang kaniyang bahay din ay ginamitan ng mga "bamboo curtain" kung saan ang mga bahay sa Pilipinas ay hindi pa ito nagagamit bilang materyales para sa kanilang bahay. Napapaligiran din ang mga dingding ng bahay ng mga "arts" na personal na kinokoleksyon ng Megastar.
Larawan mula sa Real Living
Larawan mula sa Real Living
Larawan mula sa Real Living
Sa kaniyang salas naman, kahit simple ang disenyo na mayroon ito, makikita pa din kung gaano kaelegante at kamahal ang mga kagamitan na mayroon doon.

Sa kaniyang kusina naman, simple lang ang pinagawa niyang disenyo dito, ngunit makikita ang kaayusan at ganda ng pagkakaayos ng mga kagamitan sa kaniyang kusina.
Larawan mula sa Real Living
Larawan mula sa Real Living
Larawan mula sa Real Living
Mayroon ding mga puno at ilang halaman sa labas ng kaniyang bahay at mayroong swimming pool.

Source: Real Living