Tatay na may kanser sa buto, humihingi ng tulong para maipa-amputate ang paa - The Daily Sentry


Tatay na may kanser sa buto, humihingi ng tulong para maipa-amputate ang paa



Litrato mula kay Cristopher Sasi

Isang nakakahabag-damdaming Facebook ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens dahil sa hiling ng isang tatay na maipaputol ang kanyang paa.

Ang naturang Facebook post ay mula kay Cristopher Sasi na kung saan ay humihingi ng tulong para sa isang amang may kanser sa buto.

"Ako si Singleto Gantalao na taga-Awa-an, Ayungon, Negros Oriental. Kami po ay kumakatok sa inyo at humihingi ng tulong para sa isang kapatid na may kanser sa buto."


Ang hiling daw ng tatay ay maipa-amputate ang kanyang paa dahil nahihirapan na umano ito. Kitang-kita sa larawan na nakalabas na ang buto ng isang niyang paa.

Pero dahil sa kahirapan ay hindi nila maipaputol ito.

"Sapagkat nais niyang maputol ang kanyang mga paa .. Ngunit wala kaming pera dahil kami ay mahirap. Tinanggihan siya ng kanyang asawa at mga anak .. At kami ay kanyang mga kapatid. Hiniling niya sa akin na tanggalin ito ngunit wala kaming pera."

Kumakatok ngayon ng tulong ang pamilya para sa kalaunan ay maisagawa ang operasyon.

"Sana po ay makakatulong kayo sa aming problema. Maaari kayong makipag-ugnay sa numero na ito ... Kung mayroon kang kaunting tulong tumawag lamang sa # 09068667028. Maraming salamat .."

*******

PS: Sharing is caring! Tulungan natin ang pamilya ni tatay na mapansin ito ng karamihan para mas marami ang tutulong sa kanya.

Source: Cristopher Sasi / Facebook