Alex Gonzaga, Ipina-Tulfo ang kanyang Mommy Pinty! - The Daily Sentry


Alex Gonzaga, Ipina-Tulfo ang kanyang Mommy Pinty!



Raffy Tulfo and Alex Gonzaga | Photo credit to Raffy Tulfo in Action

Matapos malagay sa mainit na usapin si Idol Raffy Tulfo dahil sa kontrobersyal na episode nito tungkol sa ineraklamong guro, isang artista naman ang dumulog sa kanyang programa upang ireklamo diumano ang kanyang ina.

Ang episode na ito ng Raffy Tulfo in Action featuring Alex Gonzaga ay sadyang kakaiba sa mga normal na episodes ng programa. At sa mga nagdaang kontrobersyal na kinaharap ni Raffy Tulfo ay sadya nga namang nakaka-aliw panoorin ang isang episode na ito upang kumalma muna ang lahat at mag-move on na ikanga.






Photo credit to Raffy Tulfo in Action
Kilala ang aktres na si Alex sa pangungulit nito sa mga vlogs niya na laging umaani ng mga napakaraming likes at reactions sa social media. Pero nitong huli, ginulat nito ang mga netizens ng mag-tungo siya sa Raffy Tulfo in action na animoy inirereklamo ang kanyang Mommy Pinty.

Sa una ay patawang sinabi ng aktres na masakit sa kanya na gawin ang reklamo sa ina pero kailangan niya daw sabihin ang katotohanan na hindi siya pinapayagan nito makipag-date sa ibang bansa kasama ang kanyang kasintahan at sadya daw na nahihirapan na sya sa sitwasyon.

Kahit daw sobra na ang pakikisamang ginagawa ng kanyang boyfriend kay Mommy Pinty, ay hindi pa din sapat sa ina at tinatrato pa din daw siyang parang 16 years old kaya nahihirapan na daw si Alex at nasasakal at baka maging mitsa pa daw ng paghihiwalay nila ng kasintahan.

Alex Gonzaga and Mommy Pinty | Photo credit to ABS-CBN

Alex with boyfriend Mikee | Photo credit to PEP
Pabiro din niyang sinabi na itatakwil siya ng ina kapag umalis siya ng bansa kasama ang nobyo.





Samantala, sobra namang nagulat si Mommy Pinty ng tinawagan siya ni Idol Raffy at pabirong sinabi na nirereklamo siya ng anak dahil sa hindi pagpayag nitong mag-abroad ang dalawa.

Ipinaliwanag naman ng mabuti ni Mommy Pinty ang dahilan ng hindi niya pagpayag at sinabing pinoprotektahan lamang ang babaeng anak.

Nag-salita din ang ama ni Alex at sinabing magpakasal muna ang anak bago payagang mag-abroad kasama ang boyfriend. Pero nilinaw din na wala naman silang problema sa nobyo nito dahil isa namang mabait na bata.

Alex Gonzaga with her Parents | Photo credit to the owner 
Pabiro namang sinabi ni Raffy Tulfo na pwede siyang mag-ninong sa kasal ng dalawa kung sakali, ngunit sinabi ni Alex na parang siya lamang ang may planong magpakasal at hindi ang boyfriend niyang si Mikee.

Tinanong din ni Idol ang ama ni Alex kung ilang apo ba ang gusto nila sa anak at sagot nito ay mga tatlo o apat. Dahil dito nag-patawang sinabi ni Alex na dapat daw ay magsimula na siya habang maaga pa.

Inilarawan din ng ama si Alex bilang isang makulit ngunit mabait na anak pero pinagpilitan na hindi talaga pwedeng makipag-date si Alex sa malalayong lugar.
Papayagan lamang daw nila ito kapag may kasamang chaperon.

Sa huli nag-kapaliwanagan naman si Alex at mga magulang nito na kailangan munang magpakasal ang anak bago nila ito payagan.

Nagbigay din ng mensahe si Mommy Pinty sa anak at sinabing napakalambing at mapagmahal ng bunso niyang anak na ito.

Bago matapos ang interview sa telepono ni Idol Raffy kay Mommy Pinty, ipinagtapat nila dito na ang pagtawag nila ay set-up at katuwaan lamang at walang katotohanan ang diumano ay reklamo at pag-susumbong ni Alex.






Source: YouTube/ Raffy Tulfo in Action