Annabelle Rama, may ibinunyag kay Morissette - The Daily Sentry


Annabelle Rama, may ibinunyag kay Morissette




Hindi nagbunganga ang nanay ni Ruffa Gutierrez na si Annabelle Rama nang dahil lang sa wala.

Ganun na lamang ang naging reaksyon at pagkagalit ni Annabelle Rama sa walk-out queen na si Morisette Amon dahil may malalim palang pinaghuhugutan ito.

Sa interview sa kanya ng press matapos ang concert kung saan nagwalk-out si Amon, may ibinunyag si Rama tungkol sa dalagang singer.

Matatandaang isa si Annabelle sa judges sa talent search ng TV5 na Star Factor noong 2010 kung saan sumali si Amon.

Pagbubulgar nya, sa lahat ng judges noon sa naturang show, sya lamang ang naniniwala kay Amon n'ung mga panahon na 'yon.

“Nung nag-join siya sa Star Factor, ako lang ang bumuboto sa kanya.”, banggit nya.

Dagdag pa ni Rama na isang concert producer din, “Lahat ng ibang judge, ayaw siyang iboto. Ako lang bumilib sa kanya.”

"Andito ako ngayon, gusto ko sanang pakinggan kung magaling talaga siya. I’m planning to get her. Ngayon, forget! Nakakahiya siya.” paglalahad nya.

Nang tanungin sya kung may mensahe sya kay Morissette, ika ni Rama, “Tama si Daisy, umuwi kang Cebu, ‘Day, magpahinga ka na dun. Magtinda ka dun ng mga isda tsaka saging.”

Komento pa nya, “Hindi na ‘yan sisikat, bagsak na ‘yan. Unang-una, na-in love sa lalaki niya. Pangalawa, lumalaban sa tatay niya.”

“Ang isang singer, lumalaki ang ulo, kinakalaban ang parents, patay ka na, ‘Day.” paliwanang ng dismasyadong aktres.

"Goodbye Morissette, karmahin ka sana sa tatay mo.”

Matatandaang may alitan si Morissette at ang kanyang ama na si Amay Amon dahil umano sa pag-iwan ni Amon sa kanyang pamilya para sumama sa boyfriend na si Dave Lamar.

Source: PEP