Isang tindahan ng isda, naglalagay ng pekeng mata para magmukang presko ang isda - The Daily Sentry


Isang tindahan ng isda, naglalagay ng pekeng mata para magmukang presko ang isda




Masarap na ulam ang isda lalo na kung ito ay presko at bagong huli. Pero tila bibihira na lang ang mga nabibiling sariwa ngayon sa mga palengke at grocery stores.

Kaya naman may mga tindera na gumagawa ng hindi magandang gimik para mabenta ang kanilang mga produkto.

Gaya na lamang ng isang tindahan ng isda sa Kuwait na nakaisip ng scam na lagyan ng pekeng mata ang mga panindang isda para magmukang presko ito.


Ayon sa report ng Gulf News, ang tindahan ay naglalagay ng pekeng "googly eyes" sa mga bilasang isdang paninda para maitago ang tunay nitong itsura.

May customer kasi na nakabisto sa gimik ng tindahan kaya agad nitong pinost sa social media at kalaunan ay nag-viral.

Agad namang napansin ng Kuwait Police ang social media post at inimbestigahan ang naturang pamemeke. 

Kinumpirma ng otoridad ang scam kaya agad nilang ipinasara ang nasabing tindahan ng isda.


Source: Gulf News