Lalaking nag-upload ng video ni babaeng “Nag-usap lang kami," humingi ng tawad: Tao lang po na nagkakamali - The Daily Sentry


Lalaking nag-upload ng video ni babaeng “Nag-usap lang kami," humingi ng tawad: Tao lang po na nagkakamali



Larawan mula sa Facebook
Matatandaang nag-viral ang video ng isang babae na kinilala sa pangalang Marie May Sese Magtibay, matapos itong i-post ni Carlos Lourence Soriano sa kanyang Facebook account kung saan ay pinagbibintangan niya ito na nagcheck-in sa hotel kasama umano ang ibang lalaki na nag-ngangalang Rodney.

Ito ang post ni Carlos na may caption na: “Yung nakisawsaw.”
Larawan mula sa Facebook

Larawan mula sa Facebook
Panoorin ang video sa ibaba:



Mariin namang itinanggi ni Marie ang mga bintang ni Carlos at nilinaw nito na kahit kelan ay hindi naman naging sila Carlos.

Ganun pa man, humingi ng tawad si Marie kay Carlos dahil sa mga nagawa niyang hindi tama at nasaktan niya ito.

"Kung yan yung ikagagaan ng loob mo sige. Pero sana Carlos, wag ka naman mandamay. Sinabi ko na sayo lahat. Yung buong side ko. Hindi ko kailangang ipaliwanag sa iba. 

"AKO YUNG MALI. Hindi talaga convincing yung side ko pero yun kasi yung totoo. 

"Pinalampas ko yung pag iiskandalo mo, at yung mga salita mo. Natakot ako sa inyo dahil ang dami nyo. Hindi ako naniniwalang kakausapin nyo lang yung kaibigan ko. 

"Nasasaktan na tayo emotionally. Social media is very powerful infuencer, ayoko na umabot sa point na kailangan pang may masaktan physically bago tayo huminto. 

"Gusto ko lang din linawin, hindi kita boyfriend.” 

Matapos nito ay agad ng binura ni Carlos ang yang post at maging ang video na kanyang i-nupload ay kanya na rin binura.

Humingi ng tawad si Carlos sa mga nasabi niya sa kanyang post at sinabing tao lamang siya na nagkakamali din.

“Una sa lahat humihingi po ako ng paumanhin sa nagawa ko na pag post ng video. Tao lang po na nagkakamali. Nasa huli ang pagsisisi dahil sa bugso ng damdamin,” Ayon sa Facebook post ni Carlos.

“Sa babae na subject ng post ko at kay Rodney na nabanggit ko sa video, sa pamilya nila, kaibigan at sa lahat ng mga naapektuhan, lubos po akong humihingi ng paumanhin. Sana po matapos na po ang issue na ito. At itigil na po ang hate comments. Maraming salamat po sa pang unawa,” Dagdag pa nito.

****

Source: Facebook