Vhong Navarro at Billy Crawford, muntik magsuntukan sa Showtime - The Daily Sentry


Vhong Navarro at Billy Crawford, muntik magsuntukan sa Showtime




Kumalat noon ang balita na nagkatampuhan ang It's Showtime hosts na si Vhong Navarro at Billy Crawford. Hinala ng marami, ito ang naging dahilan kung bakit kinailangang umalis ni Billy sa naturang programa.

Si Vhong Navarro at Billy Crawford ay dalawa sa mga naging haligi ng nasabing Kapamilya noontime show.

Nang ma-interview ang dalawa sa Magandang Buhay, inamin nila ang nangyaring tampuhan na namagitan noon sa kanilang dalawa.

Partikular itong diretsahang inamin ni Billy.

Pagbabahagi ng aktor, muntik na silang magsuntukan sa Showtime dahil sa nangyaring tampuhan.

Dagdag pa nya, may mga pagkakataon noon na kailangang umupo si Anne Curtis at Karylle sa pagitan ng dalawa para lang mabawasan ang tensyon.

"'Yung time na 'yon, 'yung medyo nagtampo si Vhong sa 'kin, may mga instances na si Anne at saka si Karylle umupo sa gitna namin dahil hindi talaga kami pwede magtabi kasi either magsusuntukan kami or as in mag-aaway kami. Awkward na talaga, e" ika ng singer-host.

Samantala, pinaliwanag din ni Vhong kung bakit sya nagalit at hindi kinuasap ang co-host ng ilang araw.

Ayon sa kanya, nagalit sya sa kapwa nya Showtime host dahil sa biglaang pagkansela nito ng kanilang lakad sa Hong Kong.

"Every year kasi ginagawa namin 'yon. May trip kami ng mga Kuys kasama si Billy rin, aalis kami. Tapos parang lately 'di na siya nakakasama" sabi nya.

"Syempre, close ko siya, e. Kumbaga, parang 'yung moment namin na 'yon every year, 'yun na lang 'yung parang labas namin" pagpapatuloy ni Vhong.

Buong puso ding inamin ni Billy na sya ang may kasalanan sa nangyari.

 "Actually, kasalanan ko 'yon. 'Yung time na 'yon naka-oo na kasi ako and last minute ko nasabi sa kanya [Vhong] na hindi ako makakaalis."

 "Walang hesitation, as in nagshut down talaga si Vhong. As in 'di ako kinausap. Kahit nasa Showtme kami. As in!" kwento nya.



Source: KAMI