Matapos ang 5 taon ay engaged na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo - The Daily Sentry


Matapos ang 5 taon ay engaged na sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo




Matapos ang limang taon nag pagiging boyfriend at girlfriend ay sa wakas nagproposed na si Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo.

Eto ay inanunsyo ni Matteo sa kanyang Instagram account ngayong gabi ng Nobyembre 7.

Sa Instagram post, kitang-kita ang diamond engagement ring ni Sarah. "I love you my love, now and forever.❤️," caption ni Matteo.


Todo suporta ang mga fans ng dalawa sa bagong yugto ng kanilang buhay.

"You deserve each other Matteo and Sarah G! Matagal nyo ng pinatunayan na mahal nyo ang isat-isa."

"Sana makahanap din ako ng lalaking katulad ni Matteo na may respeto sa babae. Bagay na bagay talaga kayong dalawa. I wish you all the best."

"Idol na idol ko tong dalawang ito dahil sila ang couple na maituturing na reserved, modest at may respeto sa isat-isa. Sana tuluy-tuloy na yan hanggang sa maikasal, magkaanak at tumanda kayo."