Tagasunod ni Ptr. Quiboloy: "Sikat si Pastor Quiboloy at lalong pinapasikat ng mga bashers" - The Daily Sentry


Tagasunod ni Ptr. Quiboloy: "Sikat si Pastor Quiboloy at lalong pinapasikat ng mga bashers"



Ptr Apollo Quiboloy at kanyang tagasunod na si Jackielyn Roy
Halos laman ngayon sa balita sa social media si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa kanyang mga kontrobersyal na pahayag tungkol sa lindol sa Cotabato.

Naging mas usap-usapan pa siya nung hinamon ito ni Vice Ganda na pahintuin ang seryeng "Ang Probinsyano" at ang traffic sa EDSA.

Hati ang opinyon ng mga netizens sa isyu dahil sa kanya-kanyang paniniwala. May mga kontra kay Quiboloy pero meron ding mga taga-suporta.


Tulad na lamang ng isang tagasunod ni Ptr. Quiboloy na kung saan ay inihayag nya ang suporta sa pastor.

Ayon sa Facebook post ni Jackielyn Roy, isang sikat na personalidad si Ptr. Quiboloy at mas lalo pang pinapasikat ng mga bashers nito.

Narito ang buong pahayag ni Jackielyn Roy sa kanyang Facebook account:

Sikat na man si Pastor ACQ at lalong pinapasikat ng mga bashers! Imagine, siya ngayon ang focus ng lahat ng mga nasa church age at talagang sinusundan nila ang lahat ng kanyang mga sinasabi.

Naalala ko tuloy bigla yung sinabi ni Pastor noon... “Itataas ng Ama ang aking pangalan sa pamamagitan ng mga panghuhusga, panlalait at paninira gaya ng pagtaas nila kay Jesus Christ sa krus, noong siya’y tinuligsa at kinutya ng mga tao sa panahon Niya, yun din ang gagawin sa akin ng mga tao.” 


Same scenario. Tama nga at totoong nangyayari na sa panahon ngayon, kaya naman lahat ng mga mata at tenga ay nasa sa kanya ngayon at lalong lumalaganap ang kanyang mensahe sa lahat ng tao sa buong sanlibutan. Hindi alam ng mga bashers na part sila sa plano ng Dios. Truly the wisdom of the Almighty Father can never be fathomed. 

The Appointed Son was crucified by their mocking, bashing, persecution, hate speech and false accusations WHICH God had lead into the way to His highest throne and lifted him up in the glory of the heaven. Praise the Father Almighty!

Source: Jackielyn Roy / Facebook