Pastor Apollo Quiboloy, tinanggap na ang hamon ni Vice Ganda - The Daily Sentry


Pastor Apollo Quiboloy, tinanggap na ang hamon ni Vice Ganda




Ngayong araw ay tinanggap na ni Pastor Apollo Quiboloy ang hamon ni Vice Ganda sa kanya tungkol sa pagpapatigil ng traffic sa EDSA at sa seryeng "Ang Probinsyano" ni Coco Martin.

Sa video ay sinagot niya si Vice Ganda tungkol sa issue ng traffic sa EDSA. Aniya, mali ang sinabi ni Vice Ganda na dapat patigilin ang traffic; eto ang kanyang sinabi:

"Sinabi mo pahintuin ko ang traffic sa EDSA, paano ko pahihintuin, nakahinto na. Ang dapat mong sinabi pabilisan, pabilisan ang traffic, pabilisan ang traffic flow, eh paano ko pahintuin eh nakahinto na nga eh. Naging parking lot na nga ang EDSA eh, nakahinto na. Paano ko pa pahihintuin ang nakahinto na."


Sinabi rin ng Pastor na baka hindi lang ang Probinsyano ang ma-stop kung hindi ang buong network ng ABS-CBN.

"Lindol lang ang pina stop ko eh dumating pa yung challenge na ipa stop ko daw yung probinsyano o kaya yung sa EDSA. Kailan mo ba gustong mapa stop ang Probinsyano? Ikaw, mamili ka, kelan mo ba gustong ma stop? Baka sa apat na buwan di lang yung Probinsyano ang ma stop, baka pati yung network mo stop na yan."

Sa ngayon ay hindi pa nairerenew ang prangkisa ng higanteng network na mag-eexpire sa March 30, 2020 dahil nakapending pa ito sa kamara.

Panoorin ang video: