Quiboloy, sinagot ang hamon ni Vice Ganda - The Daily Sentry


Quiboloy, sinagot ang hamon ni Vice Ganda




Kamakailan lamang, hinamon ni Vice Ganda ang taong nagpapakilalang 'Appointed Son of God' na si Pastor Apollo Quiboloy.

Miyerkules, November 6, nang hamunin ni Vice ang founder at leader ng Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name, Inc. na si Pastor Quiboloy sa It's Showtime.

Ilang araw matapos ito, sinagot na ni Ptr. Quiboloy ang Showtime host.

“Sige nga, punta ka ngang gitna ng EDSA, stop mo nga ‘yung traffic doon.”, pagbibiro ni Vice.

Sagot naman ni Quiboloy: “Eh pano ko pahintuin, nakahinto na nga eh!”

“Ang dapat mong sinabi, pabilisan. Pabilisan ang traffic. Let traffic flow.” dagdag nya.

Sa isa pang hamon ng komedyante, nabanggit nya ang pinakamatagal na teleserye sa kasalukuyan.

“So ano, hinahamon kita Quiboloy. Ipahinto mo nga ang Probinsyano.” sabi nya.

Pahayag pa nya, “Si Quiboloy lang ang magpapahinto ng Probinsyano, abangan nyo yan!”

Tanong naman ni Quiboloy sa sikat na komedyante, “Kailan mo ba gustong mapahinto ang Probinsyano? Ikaw. Kelan mo gustong mapa-stop? Isang buwan? Dalawang buwan? Apat na buwan? Ikaw.”

“Wala naman akong pakialam dun sa Probinsyano. But the challenge is accepted. Pero 'di ako magsasalita. Hihintayin ko na lang.” paliwanag ng Kingdom of Jesus Christ founder.

“Baka sa apat na buwan, hindi lang 'yung Probinsyano ang ma-stop? Baka pati yang network mo stop na yan.” saad pa nya.

Sa kabilang banda, pinagaralan din ni Ptr. Quiboloy ang mga celebrity na sumisikat. Ayon sa kanya, kapag masyado na silang sikat, iniisip dapat tumulong ng mga artistang katulad nila sa kanilang kapwa at magsilbing magandang ehemplo.

“Think about helping humanity. Think about being an example to others. Think about being an example to the next generation.” ika nya.

Samantala, tila naikumpara din nya ang ABS-CBN noontime program sa Eat Bulaga matapos nyang ibahagi na mahal nya si Vic Sotto at ang GMA noontime show dahil sa pagtulong na ginagawa ng kanilang programa.

Lumabas ang hamon ni Vice matapos kumalat ang balitang ang nagpahinto umano ng sunod-sunod na malalakas na lindol sa Mindanao ay si Ptr. Quiboloy.

Panuorin ang video:



 Source: We Love Philippines