Lalaking networker, sinupalpal ng kanyang nirerecruit matapos nitong mang-insulto - The Daily Sentry


Lalaking networker, sinupalpal ng kanyang nirerecruit matapos nitong mang-insulto



Usong uso hanggang ngayon ang usapin patungkol sa mga networking business kung saan may ilang miyembro nito ang namimilit na mag-recruit upang sila ay kumita.
Imahe mula sa Facebook post ni Rica Mae Langcauon Bautista.

Marami na ang taong naloko o nascam ng mga ganitong klase ng recruitment. Sa una ay papakitaan ka ng maraming pera, magagarang sasakyan, malalaking bahay, at kung ano-ano pa upang ikaw ay maingganyong sumali.

Ang ibang networker ay matitino at hindi namimilit ng kanilang irerecruit, ngunit mayroon ding ilan na kung ano-ano ang sasabihin nila sa iyo kapag hindi ka nila napapayag. Katulad na lamang ng isang kwento na ibinahagi ng netizen na si Rica Mae Langcauon Bautista.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Bautista ang usapan nila ng networker na si John Ric NagaƱo Ong.

Mababasa sa mga screenshots na ipinost ni Rica kung papaano magmayabang at insultuhin ni Ong si Bautista ng hindi nito pinansin ang kanyang offer.

Ang unang mensahe ni Ong kay Bautista ay “Hiiii! Rica nag hahanap kaba ng pag kakakitaan mo? Willing akong tulungan ka.”

Hindi ito pinansin ni Bautista kaya muli nanamang nagmessage ni Ong.

tutulungan kana sa financial income tapos seen lng?” sabi ni Ong.

Sagot ni Bautisa, “di ko po kasi need hehe.”
Imahe mula sa Facebook post ni Rica Mae Langcauon Bautista.

Dito na tila nang-insulto si Ong dahil hindi interesado ang taong gusto niyang irecruit.

SERYOSO KA? Hindi mo need? Madami ka palang pera eh. Anung ginagawa mo ba? Turo mo naman sakin oh,” sabi nito.
Imahe mula sa Facebook post ni Rica Mae Langcauon Bautista.

Paano mo matutulungan ang sarili mo o mabibili ang mga gusto mo kung hindi mo kailangan ng INCOME? Saan ka kukuha ng pera? Ano ba may sarili kabang bangko? Gigil mo ko promise!” dagdag ni Ong.
Imahe mula sa Facebook post ni Rica Mae Langcauon Bautista.

Hindi narin nakapagpigil si Bautista at sinagot ang mayabang na networker.

Mukang gipit na gipit ka ah?? Ano wala ka na bang mainvite kaya sapilitan na?”

Hindi parin nagpatalo si Ong at tumindi pa ang kayabangan nito.

Ako gipit? SERIOUSLY? MAG JOIN KA MAN OH HINDI WALA AKONG PAKE SA MGA KATULAD MO. kase ako kumita na ko NGAYON! Nag hahanap na lang ako ng mga taong gustong mag patulong para kitain din nila yun mga kinikita namin at maabot ang mga pangarap.” HOW DARE YOU!!!” sabi ni Ong.

Imahe mula sa Facebook post ni Rica Mae Langcauon Bautista.

Dito na ipinost ni Rica sa social media ang naging usapan nila ni Ong. Sa ngayon ay burado na ang nasabing post.
Imahe mula sa Facebook post ni Rica Mae Langcauon Bautista.

Imahe mula sa Facebook post ni Rica Mae Langcauon Bautista.

Narito ang buong post ni Rica:

“Yung open minded na walang ma invite kaya nang iinsulto na haysss…Gigil pa sya sakin eh sya nga ung madami sinasabe kahit wala naman akong ginagawa sakanya. Sapilitan na pala ang pagsali ngaun sa business di ako nainform. haha.”
  
Imahe mula sa Facebook post ni Rica Mae Langcauon Bautista.
Imahe mula sa Facebook post ni Rica Mae Langcauon Bautista.

Samantala, nakuha namin ang paumanhin ni Ong sa kanyang post bago ito mag-deactivate ng  kanyang Facebook account.

***