Larawan ng mag-ina sa graduation ng anak, lubos na umantig sa puso ng mga netizen - The Daily Sentry


Larawan ng mag-ina sa graduation ng anak, lubos na umantig sa puso ng mga netizen




Labis na pumukaw sa atensyon ng mga netizen ang isang larawan ng mag-ina sa graduation ng kanyang anak. 

Marami ang natuwa sa Facebook photos na in-upload ni Mark Wata. Makikita kasi doon ang kanyang mga larawan kasabay ng pagdiriwang ng kanyang pagtatapos o graduation. 

Sa naturang Facebook album na pinangalanan ni Mark na "Glad To Be A Grad", kapansin-pansin ang isang larawan doon na talaga namang umantig sa puso ng mga netizen. 

Ang nasabing larawan ay ang candid shot ng mag-nanay noon mismong graduation day ng anak.

Doon, makikitang pinagmamasdan ng nanay ang binata kung saan mababatid na abut-abot ang pasasalamat nito sa tagumpay na natamo ng kanyang pinakamamahal na anak — isa lamang sa mga patunay kung gaano kalalim ang pagmamahal ng isang ina.

Mababanaag din sa mukha ng ina ang lubos na pagiging proud sa anak.

Patunay lamang ito na talaga nga namang ang mga magulang ang isa sa mga pinakamasayang tao sa mundo sa bawat pangarap na naaabot ng kanilang mga anak. 

Narito ang mga larawan:




Samantala narito naman ang ilan sa mga reaksyon ng netizens: