Paumanhin ni Vice Ganda sa mga service crew at grocery staff, viral sa social media - The Daily Sentry


Paumanhin ni Vice Ganda sa mga service crew at grocery staff, viral sa social media



Sa problemang kinakaharap ngayon ng buong mundo, hindi lamang mga doktor, nurse, sundalo at pulis ang ating matatawag na frontliners. 
Vice Ganda / Photo credit to Philnews

Maging ang mga security guard, janitor, garbage collector, service crew, grocery staff, cashier at baggers ay maituturing din nating mga frontliners.

Madalas sila ang hindi napapansin o nabibigyan ng kahalagahan dahil minamaliit ang uri na kanilang trabaho. 

Ngunit ngayon ay maituturing silang isa sa mga bayani ng ating panahon at talaga namang lubos-lubos ang pasasalamat ng bawat mamamayan sa kanila. Isa sa mga magpapatunay nito ay ang Kapamilya star na si Vice Ganda.

Sa kanyang Twitter post, nagpasalamat si Vice Ganda sa mga service crew, grocery staff, kahera at baggers.

Humingi rin ng paumanhin si Vice Ganda dahil kung minsan ay hindi maganda ang nagiging trato sa kanila.

Dagdag nito, hindi makakalimutan ng mamamayang Pilipino ang kanilang kabayanihan kahit na matapos na ang problema ng ating bansa.

“Ngayon naappreciate natin ang halaga ng mga service crew, grocery staff, kahera at baggers. Patawarin nyo po kami kung minsan namin kayong napakitaan ng pangit na attitude. Di po namin malilimutan ang kabayanihan nyo. God bless you!!!”

Narito naman ang komento ng mga netizens:





***