Pinoy surfer na ikinasal sa magandang dayuhan, viral sa social media - The Daily Sentry


Pinoy surfer na ikinasal sa magandang dayuhan, viral sa social media



Larawan mula kay John Mark Tokong
Minsan sa buhay ay hindi mo kailangan maging maganda o gwapo para magustuhan ka ng taong natitipuhan mo, dahil mayroon iba na hindi naman talaga tumitingin sa panlabas na anyo ng isang tao kundi tinitignan nila ito sa busilak na kalooban ng isang tao.

Kung kaya naman pagdating sa pagmamahal ay wala itong pinipiling hugis, sukat o kulay dahil hindi na ito mahalaga sa dalawang taong nagmamahalan.

Viral sa social media ang isang professional na pinoy surfer na si John Mark Tokong matapos na ikasal siya sa isang magandang dayuhan na si Danni Hughes.

Sa isang post sa kanilang Instagram account, ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga larawan kung saan ay ginanap ang kanilang kasal na tila sa garden pa ginawa.
Larawan mula kay John Mark Tokong
Marami ang namangha sa naging relasyon ni John Mark at Danni dahil bukod sa pagkakaiba nila ng kulay ay malayo din ang kanilang taas.
Larawan mula kay John Mark Tokong
Sa kanilang ibinahaging mga larawan ay mapapansin na kasama din ang kanilang napaka-cute na anak na si Olive na tila kumbinasyon ng mukha ng dalawang magkasintahan.

Noong nakaraang taon ay pinatunayan ni John Mark ang kanyang angkin na husay sa pagsu-surfing kung saan ay nagwagi siya sa isang paligsahan na tinawag na 25th Siargao Cloud 9 International Surfing Cup.
Larawan mula kay John Mark Tokong
Marami ang naging taga-hanga ni John Mark mula sa social media dahil sa pagiging aktibo nito sa pagpapahayag ng kanyang pagmamahal sa surfing at sa kanyang pamilya.
Larawan mula kay John Mark Tokong
Isa lang ang malinaw sa ipinakita ng dalawang nagmamahalang ito, na hindi basehan ang pisikal na kaanyuan pagdating sa pag-ibig dahil mas importante na maging kabiyak ng puso mo ay ang yung taong kaya kang respetuhin, igalang, mahalin at tanggapin ang buong pagkatao mo kahit ano man ang mayroon ka.

****