Tatay, ilang alak ang tiniis makaipon lang ng pambili ng cellphone ng anak - The Daily Sentry


Tatay, ilang alak ang tiniis makaipon lang ng pambili ng cellphone ng anak




Viral ngayon sa social media ang isang ama matapos nitong ibahagi ang kanyang ginawang sakripisyo para sa kanyang grumaduate na anak.

Maraming netizen ang natuwa sa ginawa ng tatay na si Edwin Bayson para lang unahin ang hiling ng kanyang supling.


Sa isang Facebook post, binati ni Tatay Edwin si Derwin na nagtapos sa pag-aaral.

Makikita din sa naturang post ang mga larawan nilang mag-ama habang inaabot nya ang cellphone sa anak bilang graduation gift nito sa kanya.

Sa isang larawan, makikita si Tatay Edwin na may hawak na isang tray na naglalaman ng sangkaterbang barya.

Paliwanag nya sa caption, ilang alak raw ang tiniis nyang hwag inumin para lang maibigay ang hiling nitong cellphone sa kanya.

Nangangahulugan lamang na pinagipunan nya ito ng husto para lang mapasaya ang bata.

Aniya, "Congrats nak ayan pinag ipunan q talaga yan para sa graduation mo ilang alak hd q ininom makaipon lng ng pambile ng cp mo n matagal mo ng hinihinge"'.

Umani naman ng papuri ang sakripisyong ginawa ng ama na masasabing isa lamang patunay kung gaano nya kamahal ang kanyang anak.