Multi-millionaire na pinay sa USA, ipina-Tulfo ang mga kapatid dahil ayaw ipakausap ang kanilang ina - The Daily Sentry


Multi-millionaire na pinay sa USA, ipina-Tulfo ang mga kapatid dahil ayaw ipakausap ang kanilang ina



 

Screencap photos from Raffy Tulfo in Action


Hindi maiiwasan sa isang pamilya ang bangayan at di pagkaka unawaan lalo na sa isang malaking pamilya at maraming magkakapatid.

 

Nandyan yung nag-aagawan kayo sa atensyon ng inyong mga magulang, kung minsan naman may mga selosan pa dahil kung minsan ay mayroong paborito si mama at si papa at nakakaramdam ng selos ang iba. *


 

Isang halimbawa na lang dito ang isang pinay na naninirahan sa Texas, USA, na humingi pa ng tulong sa program ani sir Raffy Tulfo upang makausap ang kanyang ina na hindi pa nya nakakausap sa loob ng siyam na buwan.

 

Kinilala ang nasabing pinay na si Daisy Wells na isa palang multi-millionaire at well established na sa Amerika.


Ayon sa sumbong ni Daisy, halos siyam na buwan na raw nyang hindi nakaka-usap ang kanyang mahal na inang si Adeluisa Sanches na nakatira ngayon sa Cebu City.


Kasama ng kanyang ina sa bahay ang kuya nyang si Elourde Sanchez na kasama rin nitong nakatira ang asawa at anak nito sa poder ng kanlang ina.


 

Sinasabing hindi raw ipinapakiusap ng kanyang kapatid ang kanilang ina sa kanya kaya ganun na lamang ang pag-aalala niya at hinanakit nya sa kapatid. *

Screencap photos from Raffy Tulfo in Action

Kung minsan pa nga raw ay patago na niyang tinatawagan ang ina sa tulong ng kanyang pamangakin at kinakailangan pa ng mga ito na lumabas ng kanilang bahay.

 

Sa sobrang sama ng ugali ng kanyang kuya, may pagkakataon pa umano na pinalabas daw ng kanyang kapatid na pumanaw na siya sa kanyang ina dala raw ng selos.

 

Sa kabila ng mga kabutihan na ginawa ni Daisy para sa kanilang ina at mga kapatid kung saan pinatayuan pa nya ng bahay ang mga ito, labis na nag-aalala si Daisy sa kalagayan ng ina.

 

Isa pa sa ikinasasama ng loob ni Daisy ay nang makarating sa kanya ang larawan ng ina na iniiyakan ang kanyang larawan na may nakasinding kandila at nakaluhod ito.



Nang pinag kausap ni Tulfo ang magkapatid na Daisy at Elourde, todo tanggi naman ito sa paratang ni Daisy na bini-brainwash ng kanyang kuya ang kanilang ina. *


Screencap photos from Raffy Tulfo in Action


Ayon kay Elourde, wala raw katotohanan ang paratang ni Daisy sa kanya. Sa katunayanm nakakausap naman daw nito ang kanlang ina sa pamamagitan pa ng video call.


Dagdag pa ni Elourde, noon pa lamang mga bata pa sila ay may kakaibang ugali na silang napapansin sa personalidad ng nag-iisa nilang kapatid na babae. Hindi raw maayos ang pag0iisip nito.


Pinabulaanan din nito na ang bahay na kanilang tinitirhan ay galing sa kanya bagus at pinundar ito ng kanilang ama kaya may karapatan pa rin daw sila na manirahan doon.



Nang kausapin din ni Tulfo ang ina nina Daisy, pinasinungalingan din nito ang mga pahayag ni Daisy. Nilinaw din nitong ang larawang niyang iniiyakan ang litrato nga ni Daisy habang may nakatirik na kandila ay pawang katuwaan at "joke-joke"lamang daw umano ito. *


Screencap photos from Raffy Tulfo in Action

Sa kabilang banda, sinabi naman ng multi-millionaire na pinay na ito na naiinggit lamang ang mga kapatid nito sa kanya kaya ganun na lamang ang ginagawang pagtatago sa kanilang ina.


Bulod pa dito, sinabi rin ni Daisy na nanghihingi ang mga ito ng pera sa kanya bago nila ipakausap ang kanialng ina sa kanya.


At pawang nakikinabang sila sa natatanggap na pension na 68,000 ng kanilang ina mula sa  yumaong ama na dating opisyal ng pulis.


Pagkatapos na mapakinggan ni Tulfo ang magkabilang panig, minabuti ni sir Raffuy na pagbatiin na lamang ang mag-iina.



At matapos magkalinawanagan ang mga ito, tutuparin na rin daw ni Daisy ang isa sa mga hiling ng kanyang kapatid na motor. Hindi lamang isang kapatid ang kanyang bibigyan kundi ang pito nitong mga kapatid.


Ito na raw ang pamasko niya sa mga ito at mismong si Tulfo ang sisingil sa kanya kung hindi niya ito tutuparin ang pangako.

 

Sa bandang huli, kung anuman ang naging hindi pagkakaintindihan ng mga magkakapatid, sa bandang huli ay magkakadugo pa rin ang mga ito at tanging totoong magdadamayan sa oras ng pangangailan. *


Screencap photos from Raffy Tulfo in Action