Diskarte ng isang mister para sipagin sa gawaing bahay ang misis niya, viral - The Daily Sentry


Diskarte ng isang mister para sipagin sa gawaing bahay ang misis niya, viral



Photo Credits: Marvien Cascato


Isang mister ang trending ngayon sa social media dahil sa kanyang kakaibang diskarte para pasayahin ang kanyang asawa.

Sa kanyang Facebook post, ibinahigi ni Marvien Cascato ang sikreto para lalong ganahang maglaba o gumawa ng gawaing bahay ang misis niya.




Ayon sa kanya, sinasadya niyang mag-iwan ng pera sa maruruming labada upang masupresa ang misis niya pag nakita ito.


“Pls lang. Tayong mga husband kunting pag unawa naman sa asawa natin hindi biro ang maglaba kaya dapat ma isip nyo naman na tirhan nyo man lang nang kahit kunting pera sa bulsa nyo para naman sa bawat paglaba nila ay ma surprise at makabili nang pang snack,”
payo ni Marvien.


Paliwanag pa niya, “Isipin nyo na sa bawat perang binilin nyo sa bulsa ay nakapag papasaya kayo.”


Dahil sa kanyang pagiging 'considerate' at 'appreciative' sa hirap na ginagawa ng kanyang asawa, hinangaan at ikinatuwa ito ng mga netizen.


 

Ayon sa komento ni netizen Nehl Saito, "Kahit minu-minuto pa ko maglaba pag ganyan ang makikita ko s washing tapos lumulutang pa."

Dagdag pa ni netizen Dennis Alano, “Gaganahan akong mglaba pag ganito.”

Sana all talaga!


Source: 1