Guro sa iminungkahi ni Sec. Briones: "Mas gusto kong mawalan sila ng modules kesa sila yung mawala" - The Daily Sentry


Guro sa iminungkahi ni Sec. Briones: "Mas gusto kong mawalan sila ng modules kesa sila yung mawala"



Photo Courtesy: DepEd Tambayan

Halo ang mga naging reaksyon ng mga netizens lalo ng mga magulang ng mga batang apektado ang kanilang pag-aaral dahil sa sunod-sunod na bagyo doon sa naging pahayag ni Education Secretary Leonor Briones tungkol sa kung ano dapat gawin doon sa mga nabasang learning module ng mga estudyante.

Isa na rito ang naging aksyon ng isang guro na si Majie Cartajena kung saan aminado siyang kinontra nito ang pahayag ng kalihim sa kung ano ang posibleng gawin sa mga nalubog na mga module. 


Sa isang post ni Majie, kung saan ipinapaalam ng kanyang mag-aaral sa kanya na pinasok na sila ng baha at nabasa lahat ang kanyang mga modules. 

Hindi siya nag-atubili na pagsabihan ang kanyang estudyante na huwag ng alalahanin at isalba pa ang mga ito, at unahin nilang iligtas ang kanilang pamilya sa posibleng masamang mangyari.


Photo Courtesy: Majie Cartajena

Saad niya na wala na siyang pakialam sa kung ano man ang kahinatnan ng mga learning modules ng mga bata at mas pipiliin pa niyang mawala ang mga ito kaysa sa buhay ng kanyang mga estudyante ang mapapahamak. 

"Sorry po Sec. Briones kung kinontra ko sinabi nyo..Wala po kasi talaga kong pakealam kung nabasa modules ng mga estudyante ko eh. Pwede pa naman magprint eh," saad ni gurong Cartajena sa knayang post.

"Wala po kasing kwenta yung module kung wala din po akong mga estudyante..Masgusto kong mawalan sila ng modules kesa sila yung mawala..,"


Photo Courtesy: Abante


Matatandaang naglabas ng kanyang mungkahi ang kalihim ng edukasyon na ang mga guro na dapat ang bahalang umaksyon sa mga nabasang module at hindi na dapat antayin pa ang utos mula sa DepEd upang matugunan ang problema.


"Siguro hindi naman susulat ang superintendent na, 'Basa ang module namin'. Maghanap sila ng paraan. Siguro ibilad nila, 'yong iba pinaplantsa. 

"Hindi na sila uutusan ng circular galing sa central office para sabihin kung ano ang gagawin,"

***

Source:  Majie Cartajena

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!