Nilaglag si GF? Lalaki, ipinilit sa traffic enforcer na GF nya ang may violation dahil walang helmet - The Daily Sentry


Nilaglag si GF? Lalaki, ipinilit sa traffic enforcer na GF nya ang may violation dahil walang helmet





Isa na namang rider ang nag-trending ngayon sa social media matapos itong makunan ng video habang nag-aamok sa mga traffic enforcer. 

Nahuli ang lalaki na kinilalang si Billy Jack Sanchez dahil sa pagkakaroon nito ng angkas na hindi naka-helmet. 




Sa viral video, mapapanuod ang lalaki habang galit na galit na nakikipagtalo sa mga otordidad. 

Kapansin-pansin na kung gaano katindi magwala ang lalaki ay kabaliktaran naman ito ng reaksyon ng kanyang girlfriend na back ride. Nanatili itong kalmado at inaawat pa ang kanyang boyfriend. 



Gayunpaman, hindi tumigil ang lalaki sa pag-eeskandalo kung kaya tila ang kanyang nobya na ang nahihiya sa pinaggagagawa ni Sanchez. 



Dahil sa ayaw makipag-usap ng maayos ng naturang lalaki at sa patuloy na pagtaas ng boses nito sa mga traffic enforcer ay nagpatawag ng mga pulis para tulungan silang ayusin ang sitwasyon. 



Dulot ng paulit-ulit na paliwanag kay Sanchez tungkol sa kanyang naging violation na pagkakaroon ng back ride na walang helmet, kinalaunan ay nilaglag na nito ang kanyang girlfriend. 



Ayon sa kanya, hindi sya ang may violation dahil hindi naman sya ang naka-angkas na walang helmet. Pero dahil naging consistent ang enforcer na sya ang may kasalanan dahil hinayaan nyang mangyari iyon, ay ipinagpilitan pa din ng lalaki ang kanyang punto. 



Panuorin dito: