Babaeng naanakan ng kanyang stepfather, sa kalsada lang namamalagi matapos lumayas kasama ang kanyang anak. - The Daily Sentry


Babaeng naanakan ng kanyang stepfather, sa kalsada lang namamalagi matapos lumayas kasama ang kanyang anak.



Ayon umano sa post ng isang concerned netizen na si Marillo Nalliasca, isang mag-ina sa labas ng BDO Imus branch ang umagaw ng kanyang atensyon.

Gumagapang daw sa kalsada ang sanggol na walang diaper o kahit short. Marumi rin at may mga rashes ang pwetan ng sanggol, habang ang ina ng bata na mukhang nasa murang edad pa lamang ay halatang balisa.


BastaViral | Facebook

Habang pinag mamasdan ni Marillo ang mag-ina, ay may isang mabuting kalooban ang nagbigay rito ng isang latang gatas at isang bagong bote para sa kawawang paslit.

Bakas sa kilos ng batang ina na hindi niya alam kung paano ito timplahin, kaya naman hindi na nakapagpigil at nilapitan na ito ni Marillo. Tinuruan nito kung papaano ang tamang pagtimpla ng gatas sa bote.

Hindi na ito nakaimik pa dahil bakas na bakas pa sa mga mukha nito ang kaligayahan ng matanggap ang gatas at bote para sa kanyang anak.

Nang tanungin ni Marillo kung saan ito nakatira, ang sagot nito ay, "WALA PO KAMING BAHAY" 

Laking gulat na lang nito ng sabihin pa ng babae na, "LUMAYAS PO AKO SA AMIN KASI PO ANG STEPFATHER KO ANG TATAY NG ANAK KO."

BastaViral | Facebook

Hindi napigilang mangilid ng mga luha ni Marillo at hindi lubos maisip kung papaano matutulungan ang kawawang mag-ina.

Bilang isang ina nais nito na makatulong kahit sa papaanong paraan dahil sa sobrang awa na kanyang naramdaman ng malaman ang istorya sa likod ng batang ina at ng kawawang paslit.

Mabuti na lang at may ukayukay na malapit lang sa lugar. Aniya, "bumili ako ng blouse at jacket para sa nanay at tatlong jacket at short na mahaba pra kay baby."

Ngunit ng muli niyang puntahan ang magina sa kanilang pwesto ay naglaho na ito na parang bula.

"Pagbalik ko wala na sila pinagtanong ko sila buti may nakapagturo.Inabot ko sa kanila un munting tulong ko sabi ko bihisan un bata at magbihis din sya.Sabi ko sa kanya mag iingat sa kalsada."

BastaViral | Facebook


Nagpaunlak din ng tulong si Marillo na samahan ang magina sa mga kinauukulang upang mabigyan ng suporta ngunit wala itong naging tugon.

Hindi maalis sa isip nito ang magina sa kalsada kaya ipinagdasal niya ang kaligtasan nito at mapunta sa maayos na kalagayan.

Sa muling pagbalik ni Marillo ay tanging ang supot na lamang na naglalaman ng gamit ng mag-ina ang kanyang naabutan.

Siguro'y naglibot nanaman ito upang manghingi ng limos kaya naman minabuti na lang niya na iwanan sa tabi ng gamit nito ang tinapay na sana'y ibibigay niya sa mag-ina.

Sa huli ay nanawagan sa pamahalaan ng Imus, Cavite si Marillo ng sa ganon ay mabigyang pansin ang hirap ng kalagayan ng batang ina at walang muwang na bata sa lungsod na ito.


BastaViral | Facebook