Matapos ang 31-years, Ruby Rodriguez nagpaalam na nga ba sa Eat Bulaga!? - The Daily Sentry


Matapos ang 31-years, Ruby Rodriguez nagpaalam na nga ba sa Eat Bulaga!?



Maraming Pilipino ang nanabik nang bumalik sa telebisyon ang isa sa pinakasikat na noon time show at longest running variety show sa Pilipinas na Eat Bulaga.

Ngunit kasabay nito ang pagtataka ng karamihan sa mga taga subaybay ng programa, nang mapansin na hindi na lumalabas sa ere ang EB Dabarkads na si Ruby Rodriguez.




Lubos pang nabahala ang ilang mga netizens dahil sa naging komento ni Ruby sa isa sa mga pahayag ng kanyang tagahanga kung bakit wala na siya sa Eat Bulaga. Aniya, "sila ang tanungin mo".

Naging mainit din ang usap usapan na nasa California ngayon si Ruby at nagta-trabaho bilang isang office worker. Ito ay dahil sa mga ibinahagi niyang ilang mga larawan sa online at makikita na tila siya ay nasa nasa isang opisina.

Ruby Rodriguez

Ruby Rodriguez


Ngunit kamakailan lang ay nagbigay na rin ng kasagutan si Ruby ukol sa isyu kung tinanggal ba o umalis ba siya sa Eat Bulaga!.

Narito ang kanyang naging pahayag:

“Actually, hindi ako umalis kasi nagpaalam ako na magli-leave of absence lang ako."

“Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera, [president and CEO ng TAPE, Inc.]‘You will always have a home here in Eat Bulaga.’ At siyempre, inasahan ko ‘yon."

Eat Bulaga!

Eat Bulaga!


"So, when they started to go on air, it’s their decision kung sinong pababalikin nila."

"Ang makasasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila. That’s why I always say, 'Please ask them."

"I don’t know how they will answer it. If they were going to say, 'Ito ba ay leave?"

"Hindi ko alam kung ano ang desisyon nila, but it’s management’s decision, and we always respect that."

Eat Bulaga!

Eat Bulaga!


"With regards if they take you out just like that, they just drop you like a hot potato, I think it’s them who can answer that."

Ruby Rodriguez


“It’s a very humbling experience and it made me realize na sa ganitong mga pagkakataon, ganitong talagang hirap at ginhawa, you can only rely on your family and you’ve got to have faith with God."

“Dasal lang talaga to keep me strong and not to lose hope.”

rodriguezruby | Instagram


31 taong naging co-host ng Eat Bulaga! si Ruby Rodriguez kaya hindi mapagkakaila na marami ang nagtaka nang hindi na siya makitang kasama sa noon time show.