Tatay na delivery rider, hinangaan ng mga netizens dahil hindi naging hadlang ang kakulangan para suportahan ang pamilya - The Daily Sentry


Tatay na delivery rider, hinangaan ng mga netizens dahil hindi naging hadlang ang kakulangan para suportahan ang pamilya



Mabilis na kumalat sa social media ang larawan ng isang delivery rider na may kakulangan man sa kanyang katawan ay patuloy pa rin sa paghahanap-buhay masuportahan lamang ang kanyang pamilya.
Photo credit: Avril Avril Avril

Sa in-upload na larawan ng netizen na si Avril, makikita na bakal ang isang paa (prosthetic limb) ng tatay na delivery rider.

Lubos na hinangaan ng netizen ang rider, aniya, “Eto ang tunay na masipag at madiskarte, lumalaban sa buhay kahit mahirap ang panahon ngayon dahil sa pand3mic.”
Photo credit: Avirl Avril Avril
Photo credit: Avirl Avril Avril

Sa ngayon ay umabot na sa 44k reactions at 3.1k shares ang nasabing post.

Basahin ang buong post ng netizen sa ibaba:

“Shout out kay tatay na napahanga ako ngayong araw. Eto ang tunay na masipag at madiskarte, lumalaban sa buhay kahit mahirap ang panahon ngayon dahil sa pandemic. Saludo ako sayo tatay kahit na ganyang kalagayan mo hirap ka maglakad diretso kpa din sa pag tatrabaho, kung mapapansin nyo po bakal po ang kaliwang side ng paa ni tatay, kaya hirap po sya tumayo at kahit mabgat po ang pinadeliver ko na dimsum di po sya nag cancel di ko din po kase expected na ganun po kalagayan ni tatay. Basta tatay salute ako sayo.”
Photo credit: Avril Avril Avril


***
Source: Facebook