Dating sikat na aktres, ginulat ang mga pinoy sa bagong trabaho nito sa Amerika! - The Daily Sentry


Dating sikat na aktres, ginulat ang mga pinoy sa bagong trabaho nito sa Amerika!



Isang panibagong yugto sa buhay ng dating sikat na aktres ang nakatakdang magsimula ngayon. Ang aktres ay walang iba kundi ang 90's beauty na si Donita Rose, Ibinalita mismo ni Donita na siya ngayon ay isang research and development chef ng Island Pacific Supermarket.

Ang Island Pacific na isang Filipino chain of supermarkets sa Amerika, ay pagmamay-ari ng Filipino businessman na si NiƱo Jefferson Lim. Asawa ng dating aktres na si Krista Ranillo.




Matatandaang naibahagi ni Donita na dahil sa kawalan niya ng trabaho sa Pilipinas ay umabot na sa punto na hindi na niya kaya pang bayaran ang kanilang mga bills at pang araw-araw na gastusin kaya nagpasya ito na pumunta at manirahan na lang sa Amerika.

Kasama ang 16 anyos na anak na si JP Villarama sa dating asawa na si Eric Villarama. Kinakitaan ng lahat ng sipag at dedikasyon si Donita sa kaniyang bagong trabaho.

Donita Rose | Facebook

The WANDER MAMAS


“I work really hard. I work so hard,” sabi niya.

Wala rin daw isyu kay Donita na gawin ang iba pang trabaho sa supermarket kahit hindi ito sakop ng kanyang trabaho. 

“Nagugulat ang mga Pinoy dito, ako naglalabas ng basura. Ako nagda-dump sa dumpster. “Hindi ko trabaho ‘yon, pero I do it."

“Nagpupunas ako ng mga table. Sabi [ng mga nakakakita], ‘Dee, ano bang trabaho mo?’”

@dashofdonita

@dashofdonita


Paglalarawan pa ni Donita tungkol sa kanyang trabaho, “I love what I do, but it’s really really hard... physical.”

Umani naman ng papuri si Donita sa mga netizens ng malaman ang balitang ito:

"Wow, I love your determination Donita, after all your heartaches, here you are finds your new career after a few years in the Philippines, as an actress, and now as a chef, GOD, will always provide, and as a strong woman with determination, happiness fulfillment is just around the corner, congratulation to your new job I'm happy for you just remember love yourself and your family stay beautiful and confident."

"God Bless Donita and May God guide you on your new life in the US. Welcome to Los Angeles, my former hometown!!!!"

Masaya na si Chef Dee sa estado ng buhay niya ngayon ngunit hindi naman naaalis ang paghahangad na magkaroon ng isang matinong lalaki upang maging katuwang sa buhay. Pero sa ngayon ay tanging trabaho at sa kaniyang anak lamang muna nakatuon, ang kaniyang atensyon.


Donita Rose with son JP