Batang itinaboy habang nagbebenta ng sampaguita, tinulungan ng isang napakabuting Netizen - The Daily Sentry


Batang itinaboy habang nagbebenta ng sampaguita, tinulungan ng isang napakabuting Netizen




Sa panahong kinakaharap natin ngayon, sobrang daming mga realisasyon sa buhay ang bumago sa pananaw ng bawat isa kung saan ang kaunting pagiging mabuti at pagmamalasakit sa bawat isa'y napakahalaga.


Ibigay ang libreng mga simpleng ngiti, at huwag palampasin ang pagkakataong makapagbigay ng kahit maliit na tulong para mga taong mas nangangailangan ngayon. 


Katulad nalang sa isang post ni Guila Marie na nag viral ngayon sa social media dahil sa isang napakagandang pangyayari na kanyang nasaksihan at nakapagbigay ng malaking impact para sa kanilang mga nakakakita sa kabutihang ipinamalas ng isang netizen.



"Nakakatuwa at nakakataba ng puso 🥺 Yung nakatulong sya dun sa bata, pero ang laki nung impact dun sa mga nakakita,"



Habang nakapila sa loob ng isang fastfood chain upang omorder ng pagkain, may isang bata na nag-aalok ng kanyang binebentang bulaklak ng sampaguita, ngunit pilit itong pinapalabas ng mga crew member ng sikat na kainan dahil bawal umano ito sa loob at walang suot  na f@cemask ang bata.


Nakita ng marami ang pagmalasakit ng isang customer na babae sa bata, binigyan niya ng tulong ang bata at sinuotan ng f@cemask. 


"Girl: eto 50 sayo nalng yan.

Bata: salamat ate gusto kong ibili to ng Ice cream. Gusto ko pong matikman yan.

Girl: sige tara bili kita."


Kahit pa sa murang edad at ang dapat ay nag-aaral o di kaya'y ini-enjoy ang kanyang kamusmusan tulad ng ginagawa ng mga bata, hindi nagpatinag ang bata sa kanyang paghahanapbuhay marahil dahil kailangan upang makatulong sa kanyang pamilya. 



Umani naman ng mga papuri at pasasalamat mula sa  mga naantig na mga netizens ang taong may mabuting kalooban na tumulong sa bata na kinikilalang si Arlene Torres Lachica.


Narito ang kabuoang post Guila Marie:


Iba yung feeling kapag nakakawitness ka ng ganitong klaseng kindness.


Pumasok ako ng mcdo kasabay tong girl na to, ng biglang may batang nag aalok ng sampaguita sa kanya. 


Nung una pinalalabas ng mga crew yung bata kasi bawal daw magbenta sa loob. 


Pero ayaw nya lumabas ng hindi daw kami bumibili. 😅  

Bata: te pakyawin mo na tong tinda ko. 100 nalang po lahat. Sige na po


Girl: eto 50 sayo nalng yan.

Bata: salamat ate gusto kong ibili to ng Ice cream. Gusto ko pong matikman yan.

Girl: sige tara bili kita.



Nung after nilang umorder, pinalalabas ulit yung bata ksi wala syang Mask.


Pero dahil sa care ni ate Girl kumuha sya ng mask sa bag nya. Binuhol nya yung tali tpos sinuot dun sa bata.


Yung simpleng araw mo nag iiba kapag nakaka kita ka ng mga ganito. Nakakatuwa at nakakataba ng puso 🥺

Yung nakatulong sya dun sa bata, pero ang laki nung impact dun sa mga nakakita. 


***

Source:  Guila Marie

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!