Misis nahuli si mister na may ibang kaangkas na babae, motor ni mister sinilaban - The Daily Sentry


Misis nahuli si mister na may ibang kaangkas na babae, motor ni mister sinilaban




Photos courtesy of Facebook @Trending viral



Nagviral kamakailan sa social media ang ginawa ng isang misis nang sinilaban nito ang motor ng kaniyang rider na mister matapos niyang maaktuhan na kasama mismo ang kalaguyo nito sa mismong bahay ng babae.


Kahit anong pilit ng nasabing misis na palabasin ang kanyang mister at ang babae sa bahay nito ay ayaw talaga umanong lumabas at magpakita. *



Kaya naman sa tindi ng galit ni misis ay nagawa nitong sunugin ang motor ng mister na siyang ginagamit nito sa pagha-hanap buhay.


Tila nagiging pangkaraniwan na lang ang ganitong tagpo sa panahon ngayon, maging sa mga balita ay hindi na ito bago lalo na sa mundo ng showbiz.


Magugulat na lamang tayo sa balita na hiwalay na si ganito na kung saan ay parang kailan lang ay sweet na sweet pa ang magsing irog.


Ito ay marahil sa pagkakaroon ng ibang tao na pumapasok sa isang relasyon na kahit alam naman nila na hindi na pwede ay pilit pa ring nakikipagrelasyon kahit na mali ito at madalas ay nauuwi sa pagkasira ng isang magandang pagsasama ng isang pamilya.



Mainit na usapin ang mga ganitong sitwasyon at talaga namang napapanahon, maging sa social media ay trending palagi ang ganitong tagpo na umaabot pa madalas sa million views.


At sa puntong ito, hindi na napigilan ang galit ng misis na ito at umabot na nga sa punto nang sinunog na ni misis ang motor ng kaniyang asawa nang malaman nya na ang kanyang asawa ay nasa bahay pa mismo ng kalaguyo nito. *

Photos courtesy of Facebook @Trending viral



Marahil sa magkahalong emosyon na nararamdaman ng misis, ay naisipan na nitong silaban ang nakaparadang motor ni mister bilang ganti sa panloloko sa kanya ng kanyang kabiyak. 


Makikita sa post ng Facebook page na "Trending Viral", ang mga larawan ng motor na nasusunog sa harap ng isang bahay at makikita rin ang ilang mga nakasaksi sa pangyayari.



Sa caption na “Isang rider nahuli ng misis niya sa bahay ng kab1t nito at dahil ayaw lumabas ng rider at ni k@bit sa loob ng bahay ito ang ginawa ni misis motor ni mister”


Inulan ng sari saring komento at reaksyon ito mula sa mga netizens sa social media. May ilan pa nga ang nagkomento na maari pa sanang maresolba sa maayos na pag-uusap ang kanilang problema kung lumabas sana si mister.


Ano kaya ang magiging reaksyon natin kung sa di inaasahang pagkakataon ay mahuli mo din ang iyong asawa na may ibang karelasyon? Ano nga kaya ang magiging reaksyon mo? Pero sana naman ay maging matatag ang isa't isa lalo na kung may sinumpaan kayo na magiging tapat at magmamahalan ng walang alinlangan. *

Photos courtesy of Facebook @Trending viral