The Daily Sentry: FYI
Showing posts with label FYI. Show all posts
Showing posts with label FYI. Show all posts

Ang kwento ng buhay ni Benjamin Garcia A.K.A Ben Tumbling

1:28 AM
Nagsimula ang kwento ng buhay ni Benjamin Garcia o mas nakilala sa alias na Ben Tumbling sa Malabon City kung saan siya ipinanganak noong June 7, 1957.
Ben Garcia / Photo credit to the owner

Mahilig raw talaga sa acrobatics si Ben kaya nakapasok ito bilang stunt man sa mga action films. 

Si Ben ay itinuring na isa sa mga sakit ng ulo ng mga pulis noong dekada 70s’. Mala palos raw ito dahil hirap silang hulihin.

Maging ang galit niya sa mga ito ay nagsimula nang siya ay t0rturin ng mga pulis sa kasalanang hindi naman siya ang may gawa.
Ben Garcia / Photo credit to the owner

Mas lalong tumindi ang galit ni Ben sa mga pulis nang malamang ginah*sa ng mga ito ang kanyang asawa.

Kaya nang siya ay makalaya, nagbalak siya na gaganti sa mga pulis.

Talagang pinagplanuhan ni Ben ang paghihiganti. Minsan ay nagpapanggap umano siyang tindero o karpintero at kapag nakakuha siya ng tiyempo ay tsaka niya itutumba ang pulis.

Dito na rin nasangkot sa iba’t ibang krimen si Ben kung saan pulis ang kanyang target.

Pitong pulis ang nasawi sa mga operasyon upang hulihin siya. Kasama na rito ang mga gumawa umano ng pang-aabuso sa kanya at sa kanyang asawa.

Isa rin umano sa mga tumugis kay Ben ay ang Hoodlum terminator na si Boyong Mañalac. 

Ayon sa anak ni Boyong, ilang beses umanong pinuntirya ng kanyang ama si Ben at kung mayroon raw itong isang pagsisisi ay dahil hindi siya ang mismong nakahuli.
Photo credit: Tamago Chronicles
Boyong Mañalac / Photo credit: Tamago Chronicles

Dinadayo nila sa Bulacan, kung saan-saang lugar, kung saan may info. Tinutulugan nila ng ilang araw hindi talaga nila nadale,” sabi ng anak ni Boyong.

Minsan daw muntik na nilang madale si Ben Tumbling sa Bulacan, may nagsabi nasa palaisdaan. Nacordon daw nila yung lugar. Magaling daw talagang tumambling.

Pinasok nila. Pagpasok nila nakalundag daw tatlong lundag, hindi na nila nakita,” dagdag nito.

Yon na raw ang pinakamalapit na pagkakataong mahuli ni Boyong si Ben. Simula nun ay hindi na raw niya ito muling nakita o nalapitan.

May mga kwento rin na mahilig daw magbigay ng tulong o pera si Ben sa kanyang mga kaibigan at kapitbahay sa Malabon.

Minsan ay tumutubos din daw siya ng mga lupang nakasanla.

Samantala, madalas umanong tumambay si Ben sa mga bar at beerhouse. Ang hindi niya alam ay pinagpaplanuhan na siya ng mga pulis.

Sa tulong ng GRO na binayaran ng mga pulis sa halagang P10k, nahuli at nap*tay si Ben.

Noong March 13, 1981, nagluksa ang karamihan sa mahihirap na taga Malabon.
Photo credit to the owner

Sa kanyang libing ay marami ang pumunta kung saan karamihan sa mga ito ay mga natulungan umano ni Ben.
Photo credit to the owner

Nai-dyaryo pa noon ang pagkam*tay ni Ben at ikinuwento rin ng mga pulis kung papaano nila plinano ang pagpat*y sa kanya.

Pero iba ang kwento ng kanyang pamilya patungkol sa pagkam*tay niya.

Anila, hindi napatay ng mga pulis si Ben. Bagkus, nagpakam*tay ito.

Ang kwento ng buhay ni Ben ay isinapelikula noong 1985 na pinagbidahan ni Lito Lapid at pumatok sa takilya.
Photo credit: Tamago Chronicles

Samantala, sa Youtube Channel ‘Tamago Chronicles,’ pinuntahan nila ang puntod ni Ben Tumbling at mababasa sa lapida nito ang,

“IKAW BA’Y MASAMA O DAKILA. BAKIT MARAMI ANG SAYO’Y HUMAHANGA. MGA MATATANDA, DALAGA AT BATA. SA PAGKAMATAY MO’Y AYAW MANIWALA.

BAKIT DI MARINIG SA BIBIG NG TAO NA KAY BEN GARCIA’Y NAPOPOOT AKO. BAKIT SI BEN TUMBLING AY NAGING IDOLO GAYONG SA BALITA AY PUSAKAL ITO.

BAKIT BA KAY RAMI ANG MGA NALUNGKOT NANG ANG IYONG BUHAY AY AGAD NATAPOS. AT BAKIT MARAMING NAG MAGANDANG LOOB NAG-ABULOY SA’YO NANG KATAKOT-TAKOT.

ANG ALAALA MO AY MAGIGING ARAL SA TAGA-MALABON AT KARATIG BAYAN.
ANG DALANGIN NILA KUNG NASAAN KA MAN SANA AY KAMTIN MO ANG KAPAYAPAAN.”
 Photo credit to the owner


***

Nanette Medved, ang dating Darna! Alamin ang kanyang buhay at ginagawang pagtulong sa mga nangangailangan

2:55 AM
Nalalapit na ang pagbabalik ni Darna sa prime time!

Kamakailan ay inilabas ng ABS-CBN Entertainment ang teaser poster ng Darna: The TV Series sa kanilang mga social-media accounts.
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Ang gumaganap na Darna sa ABS-CBN series ay si Jane de Leon.

Isa sa mga gumanap bilang Darna noon ay ang napakagandang aktres at model na si Nanette Medved. 

Marahil ay hindi siya kilala ng mga kabataan ngayon dahil dekada ’90 nang siya ay sumikat at makilala.

Ang ina ni Nanette ay si Mei-Chi, mula Taiwan; ang kanyang ama naman ay si Raymond, mula Russia.
Nanette Medved / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Taong 1999 naman siya ikinasal sa businessman na si Chris Po, ang president at CEO ng Century Canning Corp.

Nagkaroon ng iba’t ibang pelikula o proyekto si Nanette noon dahil na rin sa taglay nitong ganda at talento.

Nakasama rin niya ang mga kilalang artista at personalidad sa showbusiness kagaya na lamang ng yumaong “Da King” na si Fernando Poe Jr.

"Ang Dalubhasa" ang huling pelikula ni Nanette bago ito magretiro sa showbiz.
Fernando Poe Jr. at Nanette Medved / Imahe mula sa palabas na "Dito sa Pitong Gatang" (1992)
Fernando Poe Jr. at Nanette Medved / Imahe mula sa palabas na "Dito sa Pitong Gatang" (1992)

Sa mga hindi nakakaalam, si Nanette ay nagtapos bilang Summa Cum Laude sa kursong Finance and Entrepreneurship sa Babson College, Massachusetts.

Masasabing naabot na ni Nanette ang tugatog ng kanyang karera bilang artista noon. Ngunit dumating ang panahon na mas pinili niyang makatulong sa mga nangangailangan at nag-focus sa pagpapatayo ng ilang kumpanya katulad ng Generation Hope Inc. at Friends of Hope Inc.
Nanette Medved / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Naglalayon ang mga ito na matulungan ang mga pampublikong paaralan na may iilang estudyante na kapos at hirap sa buhay. 

Kasama rin sa kanilang programa ay ang pagsuporta sa mga magsasakang Pilipino.

I did it because it was something close to my heart. I wanted to help the poor,” saad ni Nanette.

Maliban sa pagtulong sa ating mga kababayan, layunin din ni Nanette na pangalagaan ang kalikasan kaya naman itinayo niya ang Plastic Credit Exchange Inc. (HOPEx).
Nanette Medved / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Layunin nitong tulungan ang mga kumpanya, negosyante at simpleng indibidwal na maging responsable sa paggamit at pagtapon ng plastic.

Noong 2017, nagsama sila ng aktres na si Solenn Heussaff upang gumawa ng limited edition na damit gamit ang 100 percent na recycled plastic. Ang kikitain mula dito ay gagamitin upang makapagpatayo ng mga public schools sa buong bansa. 
Nanette Medved at Chris Po / Photo credit to the owner
Nanette Medved / Photo credit to the owner

Dahil sa kanyang kabutihang loob, kinilala si Nanette ng Forbes bilang isa sa mga “Heroes of Philanthropy” noong taong 2017 at hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin siya sa kanyang adhikain na makatulong sa mga nangangailangan.

Talaga nga namang matatawag nating tunay na Darna si Nanette dahil sa kanyang malawak na papel sa loob at labas ng showbiz. Dahil sa kanya ay marami ang nabigyan ng pag-asa sa buhay.


***

Librong mula sa 1800s na nagpapakita kung papaano ginagamot ng mga Pilipino ang iba't ibang sakit nang walang Doktor

2:21 AM
Ang University of Santo Tomas (UST) Heritage Library ay mayroong 30,000 na sinaunang libro na nagmumula pa noong 15th hanggang 19th century.
Photo credit: Esquire Magazine

Sa isang article ng Esquire Magazine, ipinakita nila ang isang nakamamanghang libro na pinamagatang:  Ang Mahusay na Paraan nang Pag-Gamot sa manga May Saquit (1831) by Simon Andre Tissot.

Ang title page umano ng libro ay punit na at ang mga pahina ay marami na ring sira. Mabuti na lamang at pinayagan sila ng mga librarians na tignan ito at kuhaan ng larawan.
Photo credit: Esquire Magazine

Ang libro ay mayroong Tagalog introduction na:

Sa mangagamot na Tagalog na babasa: Ytong librong quinasusulatan nang manga paraan nang paggamot sa manga may saquit ay gaua nang totoong dunong na tauo na si Tissot ang ngalan, at iquinana niya sa manga may saquit na nagtarahan sa buquid o sa manga nayong malalayo sa bayan.

Marami umanong klase at paraan ng paggamot sa loob ng libro ngunit pumili lamang sila ng iilan na nakakuha ng kanilang atensyon at madaling isalin. Pinanatili rin nila ang spelling ng mga tagalog words.

1. Ang gagauin nang tauo, capag nararamdaman, na siya’y magcacasaquit na
Photo credit: Esquire Magazine

Symptoms: Caya mahahalata nang tauo na malapit na siyang magcasaquit, cun hindi siya malicsi, o masipag na para nang dati, cun nananabang nang pagcain: cun masaquit saquit ang sicmora, cun maraling mapagod, o cun mabigat ang caniyang olo…

Remedy: Capag ganoon ang damdam, ang gagauin niya’y houag titiquim siya nang carne, sabao, o itlog, o alac. Houag siyang magsasaquit gumaua: inomin niya ang bilin sa numero 1, o, 2, ga dalaua o tatlong botella carami maghapon; Cun aayao siya doo’y uminong nang tubig na malacoco na hohologan nang caonting suca. Cun walang suca, ang dalawang botellang tubig na malacoco ay doonan nang caonting asin at yaon ay inomin. Cun baga may roong polot ay mabuting laguian ang tubig nang tatlo o apat na cuchara noon.

2. Ang gamut sa bucol na ang pangalan ng tagalog doo’y Bayiqui o Bayicqui

Symptoms: Cun minsan namamaga yaong dalauang galandulas o bocol na naroon sa piling nang tayinga’t sibang, cun minsan yaong dalaua naming hinihipo sa ilalim nang gitna nang sihang, na galandulas din yaon.
Photo credit: Esquire Magazine

Remedy: Itong saquit na ito ay nauauala pagca pinahiran nang tayom na tinunao sa caunting suca.

3. Ang gagaouin sa manga quinagat nang asong olol cun walang mercurio o asogue

Remedy: Datapoa cun walang mercurio at maliuag naming magpacoha ca sa Maynila, ang gagauin sa quinagat nang asong bang-ao ay gay-on. Pagcaraca huhugasa’t lilinisan ang sugat nang may-saquit nang tubig na malacoco na dinoonan nang asin, nang macoha ang lauay nang asong naca cagat. Saca painomin toloy ang may-saquit nang lana o langis sa castila o langis ng niyog na mabaho man, ga calahating taza carami hanggang siya’y sumuca. Itong pag-inom nang langis, hindi sucat pabayaan, ay siya ang caonaonahang gamut dito.

Saca cun ibig at pumapayag ang may-saquit, ang sugat ay pasoin nang caonting bulac o nang laman ng bonga nang boboy. Cun aayao ang may-saquit na pasoin ang sugat niya’y papasugatin nang isang lanceta o campit o dolo nang gunting man, mangyaring magdugo lamang at doonan ang sugat ng capitol na sungay nang usa, na sinonog, at iuan doon hangan sa siyang cusang malaglag.
Photo credit: Esquire Magazine

4. Gamot sa quinagat nang Poquiotan, Laiwan, Potacti, Amboboyog, Lamoc, o Langao na may camandag

Cun mayroong quinagat na tauo niyong manga hayop na yaon, ang gagauin ay gayon. Bonotin mona o sunquitin nang carayom ang panuca nang hayop saca basaing parati yaong lugar na masaquit nang basahang babad sa tubig lamang o tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao, o tapalan nang tinapay na minasa sa gatas at polot. Banyosan ang may-saquit hangan tohod nang tubig na malacoco. Huag pacanin nang marami cun gab-i. Painomin siya nang tubig na pinaglagaan nang bulaclac nang alagao.

Ang lana o langis ng niog o langis sa castila, cun ilahir agad sa lugar nang quinagatan nang hayop ay nacacauala nang pamamaga, pati nang pagsaquit. Datapoa, cun minsan, hindi cailangan gumaua nang anoman doon sa quinagat niyong manga hayop na yaon, at ang saquit siyang cusang nauauala.

Cun baga maraming hayop ang nacacagat, ay sangralan, o conan nang dugo ang may catauan.


***

Kwento ng nakakadiring modus sa bus, bistado! "buti na lang napagkamalan akong Koreano"

7:53 PM
Marami ang na-alerto sa istoryang isinalaysay ng Facebook netizen na si David Soterio San Jose, matapos nitong maranasan ang nakakapandiring gawain ng mga kawatan sa isang pampublikong sasakyan.

Sa 'di inaasahang pagkakataon ay napuntirya ito ng mga masasamang loob nang minsa'y sumakay ng bus upang dalawin ang kanyang namayapang pinsan.




"July 18, 2018 was a special day as was it so. However, it was made more meaningful until this happened. First, I just want to give praise to Jesus for this. This was all His doing — he saved me!"

"Sumakay ako ng bus pauwi papuntang MOA at sasabay ako sa kuya ko to visit a cousin’s wake. So from Kamuning to MOA ang sinakyan ko. Nakaupo ako sa 2nd row, right side of the bus (near the bus entrance). All was well, nagbabasa ako ng card, until we reached a stop near Kabayan Hotel. Nagbaba si kuya ng mga pasahero at magsasakay din.  Bago pa man makasakay ang mga sasakay, nagsabi si kuya driver sa ate na nasa unahan ko (1st row, right-most seat ng bus), “Itabi mo na ‘yung cellphone mo."

David Soterio San Jose | Facebook


"Then, a group of 5 medium-built guys hopped in from the stop. One sat beside me and immediately after he positioned himself, he screamed “shit ano ‘to?” I looked at his right arm to find out what was, and the other guy from the group pointed at my left shoulder. May laway sa balikat ko. Na-modus ako, pakiwari ko. Pero pag kasi nandun ka sa moment na ‘yun, kakabahan ka pa rin."

"I kept calm and just looked them in the eye. My bag was on my lap and embraced it tight. Nilagay ko na ‘yung cellphone ko sa bag. All of them were saying and tapping me at the shoulder to take notice and do something about it. I think that’s their way of distracting you and their moment to take advantage of your situation. But I never did, and let that thing sit on my shoulder."

David Soterio San Jose | Facebook


"Bumagal na ang oras, it was just a short distance but was the longest minutes of my life. Hindi nila ako tinatananan hanggang sa pansinin ko ‘yung laway. Pero hinayaan ko lang. Eventually, they stopped talking to me. At nag-usap usap sila na in a dialect which I didn’t recognize. Later on, nag-tagalog na at sinabing “baka Koreano ‘to.” Sabay tinapik ako sa balikat ko ng katabi ko. Tinignan ko lang siya. Naramdaman ko ‘yung frustration nila. Binuksan ko ‘yung bag ko para kuhain ‘yung alcohol ko. Nag-spray ako sa kamay at sa balikat. Iniwasan ng katabi ko ‘yung ini-spray ko. Muli nilang hinawakan ‘yung balikat ko at ‘yung batok ko. Pero tinignan ko lang sila. After that, nilayasan nila ako. Lumipat na sila sa likod."

"I didn’t know that they were so persistent of getting something from that trip and making that a success. Akala ko sa akin na matatapos ‘yung tagpong ‘yon. Pero matapos ang ilang sandali, ‘yung tatlo sa kanila paspasang bumaba ng bus sa Heritage. Nang-snatch na siguro sila. ‘Yung dalawa sa kanila, normal na lumalabas nang biglang sumisigaw ‘yung isang pasahero ng “cellphone ko, cellphone ko.” Hinarangan o ginitgit nila ‘yon at tumanggi sa paratang at sinabing nakatawid na sila (yung tatlong tumakbo)."

David Soterio San Jose | Facebook


"Bumalik ‘yung nabiktima sa upuan niya pero hinikayat siyang habulin at isumbong sa mga pulis na nagpa-patrol sa area. So, bumaba na siya kasama ‘yung mga tropa niya."

"Nag-usap usap ‘yung mga kapwa pasahero kong naiwan tungkol sa nangyari. Nung una, ayaw kong makisali. Pero maya maya, sinabi ko at pinakita ko na sa kanila na ako po ‘yung una nilang bibiktimahin sana. Pinakita ko ‘yung balikat kong may dura/laway habang nanginginig pa rin ako sa takot. Naramdaman ko ‘yung relief mula sa kanila pero at the same time, malungkot rin sila na may nabiktima pa rin sa pangyayari."

"Doble ingat po tayo, guys. Sobrang talamak na talaga ang mga ganitong modus."

Mariing pinaalalahanan ni David ang mga pasahero na kahit anong mangyari ay huwag papansinin ang mga kawatan dahil layunin nito na kuhanin ang iyong atensyon para maisagawa nila ang kanilang masamang hangarin.

David Soterio San Jose | Facebook



Isang ina nagbabala sa mga nanay na nakaranas at makararanas pa lang ng Cesarean section delivery

11:10 PM
Sabi nga nila, kapag nanganganak ang isang babae ay parang nasa hukay ang isa sa kanilang mga paa dahil anomang oras ay maaari silang bawian ng buhay. Kaya talagang nakakatakot ang kanilang pagdadaanan.
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual

Mayroong dalawang paraan ng panganganak. Ito ay ang normal delivery at ang cesarean section delivery kung saan hihiwain ang tiyan ng babae.

Matapos ang matagumpay na panganganak ng isang ina ay kailangan din nilang maghintay na maghilom o gumaling ang kanilang mga sugat.

Para sa mga dumaan sa cesarean section delivery, mas matagal daw ang pag galing nito. Ngunit walang kasiguraduhan na kapag naghilom na ang hiwa sa tiyan ay ligtas na sila.

Ito ang ibinahagi ng netizen na si Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual sa kanyang Facebook account.

Ayon kay Pascual, 6 years na umano ang nakalipas nang manganak siya sa kanyang bunsong anak sa pamamagitan ng CS.
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual

Ang buong akala niya ay ligtas at magaling na siya. Isang araw ay bumuka raw ang kanyang tahi, ngunit binalewala lang niya ito.

Napansin rin niya na may tumubong bukol sa kanyang peklat.

Kaya naman binuksan ulit ang tahi ni Pascual at doon ay may nakitang tum0r.

Nagpapagaling na ngayon si Pascual matapos ang kanyang operasyon.

Sa kanyang post ay nagbigay ng paalala si Pascual sa mga kapwa niya ina na huwag baliwalain kung sakaling bumuka ang kanilang mga tahi.
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual

kaya sa mga Nanay po jan na magCCS or nagCS na ng nakaranas na bumuka ung tahi wag nyo pong baliwalain.. Kase maaari pong ganito mangyari tulad saken kahit lumipas na ang maraming taon!! Keep safe po mga momshie!!”

Sa ngayon ay mayroon ng 65k shares ang post ni Pascual.

Narito ang kanyang buong post:

"For the mother out there.. konting advice lng po.. Kung kayo po ay nakaranas or makkaranas palang mg CESARIAN SECTION (CS) DELIVERY!! at bumuka po ung tahi nyo.. wag nyo pong baliwalain.. 6 years na po akong CS sa bunso ko!! That time bumuka po ung tahi ko!! Binaliwa ko po yun.. in 6years kala ko di mangyyari.. dun po sa pinakang peklat ko na bumuka may tumubong ENDOMETRIOSIS CS SCAR (bukol)!! Buti nlng naagapan agad at maliit pa! Kaya kasamaang palad sa 6years na nung CS ko hiniwa Nila ulit.. para akong nagCS ulit.. kaya sa mga Nanay po jan na magCCS or nagCS na ng nakaranas na bumuka ung tahi wag nyo pong baliwalain.. Kase maaari pong ganito mangyari tulad saken kahit lumipas na ang maraming taon!! Keep safe po mga momshie!!"

Narito ang ilang larawan na ibinahagi nito Pascual:
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual
Photo credit: Aekihzeh Shirtyt Gagaring Pascual


***