Kakaibang request na regalo ng ikakasal sa kanilang mga bisita, trending! - The Daily Sentry


Kakaibang request na regalo ng ikakasal sa kanilang mga bisita, trending!



Photo from Facebook

Isa sa mga naging epekto ng pandemya ay ang maraming pagbabago sa paraan ng pagdriwang ng mga okasyon sa iba't-ibang bahagi ng mundo. Gaya na lamang sa Pilipinas, kung saan iba't-ibang klaseng pakulo sa mga selebrasyon ang ginagawa na nakapupukaw sa pansin ng marami sa social media.

Ngunit sa paglipas ng panahon, marami ng mga Pinoy ang mas nagiging praktikal, hindi lang sa paraan ng pagdiriwang, kundi maging sa mga regalong nais nilang matanggap sa kanilang kaarawan o maging sa araw ng kanilang kasal.

Photo by Bags of Love


Katulad na lamang nitong trending post ng netizen na si Andrei Escudero na kinagiliwan ng marami dahil bukod sa 'literal na praktikal', hindi na din niya pinahirapan mag-isip pa ang mga bisita para sa regalong nais nilang matanggap sa araw ng kanyang kasal.




Taliwas sa nakasanayan ng maraming Pinoy na pagbibigay ng mga bagong kagamitan, tulad ng appliances, gamit sa kusina, narito ang pilyong request na regalo ni Andrei para sa mga imbitado sa isa sa pinakaimportanteng araw ng kanyang buhay:
Photo from Facebook

"Magandang araw sa lahat!

Para po sa lahat ng imbitado sa aming kasal wag nyo po kami regalohan ng "BASO, PINGGAN, KUTSARA, TINIDOR, RICE COOKER, ELECTRIC FAN AT IBA PA, dahil sobrang common na pong regalo yan.

Ang gusto po naming e regalo niyo sa aming kasal ay ganito..

HOLLOW BLOCKS, CEMENTO, KABILYA, SEMENTO, PAKO, TILES, KAHOY, DOOR KNOB, BISAGRA, SLIDING WINDOW, HARDIFLEX, PINTURA, AT IBA PA PARA SA PAGPAGAWA NG AMING BAHAY.. AT KUNG PWDE SANA SAMAHAN NIYO NA RIN NG PAMBAYAD PARA SA LABOR.
Photo from Facebook



MARAMING SALAMAT!"

Ikaw, anong regalo ang gusto mong matanggap sa araw ng kasal mo?

Source: 1