Lalaking driver viral matapos manakit ng rider nang dahil binastos daw siya nito - The Daily Sentry


Lalaking driver viral matapos manakit ng rider nang dahil binastos daw siya nito



 



Isang lalaking driver ng pick up mula sa Bulacan ang nag viral matapos manakit ng rider na naka sagutan nito sa daan kamakailan.


Ang naturang video ay binahagi ng asawa at kaangkas ng rider naka-alitan ng lalaki sa daan sa bayan ng San Ildefonso , Bulacan at ngayon ay binahagi na rin ng iba’t ibang page sa Facebook.



Sa video, maririnig na kinompronta ng driver ng pick-up ang rider dahil ito raw ay nag d!rty finger sa kanya na inamin naman din ng huli dahil matindi daw kung makabusina ang driver ng pick up.


At para sana matapos na ang pag tatatalo ay humingi na ng paumanhin ang rider at ang angkas nito, ngunit imbes na kumalma ang kaalitan ay sinap@k pa siya nito.


Hindi naman natinag ang driver at galit na galit pa rin sa mag asawang naka motor kahit binantaan na siya nitong irereklamo sa barangay kasama ang video bilang ibidensya.


Galit na galit din sa lalaki ang mga netizens na nakapanood ng video na umabot na sa libong share at marami ang nagsabing sana ay kumalma nalang ang driver at huwag idaan sa init ng ulo.*




“Konting hinahon mga kaibigan, paalala lang if we are patient in one moment of anger we will escape hundred days of sorrow, patience is the key” ayon pa sa isang komento


Ayon pa sa caption ng uploader na si Famella Inocencio, tatakbo pa naman daw sana sa ilalim ng isang partylist ang lalaking driver.



“Shout out sayo kuya pag palain ka sana ikaw na nga tong mangtatagis at nag mura mananakit ka pa! Binaba na nga namin sarili namin sayo kahit na ikaw ang mi kasalanan para hindi lang humaba mananakit ka pa.


“Tatakbo ka pa nman party list jan sa inyo ang ugali mo!!! Nakaka takot ka masyado wala kana sana ma pag tripan pa!” ayon sa buong caption ng post




Hindi naman talaga maiiwasan ang may makasagutan sa kalsada lalo na kung mainit din ang ulo ng isang driver, ngunit mas mahalaga na palaging mag-iingat sa daan at pairalin ang pasensya upang hindi humantong sa mas malalang gulo.