Then and Now! Jerry Yan aka 'Dao Ming Si', After 21 Years, Mala-Bampira, Walang Pinagbago! - The Daily Sentry


Then and Now! Jerry Yan aka 'Dao Ming Si', After 21 Years, Mala-Bampira, Walang Pinagbago!



Photo redit to F4 Original | Facebook

Hindi maikakaila na ang pinakasikat at pinaka-kinagiliwan na Asianovela sa bansa ay ang Meteor Garden. 

Dahil sa inspirasyon ng Japanese shōjo manga series na Hana Yori Dango na isinulat ng comic artist at manunulat na si Yoko Kamio, isinasalaysay nito ang kuwento ng isang karaniwang teenager na babae na nasangkot sa elite group ng apat na sikat, mayaman at guwapong lalaki sa kanilang paaralan na tinawag na F4.



Photo credit to Outside Seoul

Dahil sa kaakit-akit, nakakakilig, at nakaka-relate na storyline nito, maraming beses itong na-adapt sa iba't ibang bahagi ng mundo. At talaga namang bumida sa ere ang Taiwanese at orihinal na version nito na pinagbidahan ng mga nag-gwagwapuhang sina Jerry Yan bilang Dao Ming Si, Vic Zhou bilang Hua Ze Lei, Ken Chu bilang Xi Men, at Vanness Wu bilang Mei Zuo bilang una at pinakasikat na F4. Kasama si Barbie Hsu bilang ang matapang na si Shan Cai.

Ito ay inilunsad sa Taiwan noong 2001, ngunit naipalabas lamang sa Pilipinas noong 2003. Kaya naman bago pa natin kaaliwan ang mga Korean drama at mahalin ang mga oppa ay sinasabing una na tayong nadala at nagmahal sa pinaka-hindi malilimutang adaptasyon sa telebisyon, ang Meteor Garden.

Sino nga ba naman ang makakalimot sa signature pineapple hair ni Dao Ming Si na may suot na scarf sa noo at ang nakakatakot na pulang card na ipinagkaloob nila sa lahat ng magtatangkang kumalaban sa F4?



Photo credit to Pinterest

Talaga namang hindi malilimutan ang bawat eksena kasama si Dao Ming Si at kung paano umikot at sinubaybayan ang kanilang pag-iibigan ng simple ngunit matapang na bidang babaeng si Shan Cai. 

Photo credit to Pinterest

At matapos ang 21 taon, sinasabing narito muli at bumabalik si Jerry Yan, bilang si 'Dao Ming Si'.

Makikita kasi sa isa sa mga fan page ng aktor ang kanyang mga larawan na nakadamit at pormang si Dao Ming Si, sa tila isang TV production sa kanilang bansa.



Ayon diumano sa isa sa admins ng naturang page, ang mga larawan ay kuha sa isang shoot para sa nalalapit na show na ieere sa iQIYI, isang Chinese online video platform.

Photo credit to JNB | Facebook

Kaya naman, marami sa kanyang mga taga-hanga sa ibat-ibang bansa, lalo sa Pilipinas ang hindi napigilang mamangha sa aktor, dahil matapos ang 21 years ay halos walang pinagbago ang itsura nito at parang hindi tumanda.

Mayroon pa ngang mga nagsabing mas gwapo ito ngayon at mas nagmukhang bata kahit na 45 years old na ito sa kasalukuyan. Mas nakaka-aliw naman ang nagkomento at nagsabing tila isang bampira ang aktor dahil sa hindi pagtanda ng pisikal na anyo nito. 


Photo credit to JNB | Facebook