Babaeng ikinasal sa manika, nanganak ng manika! Sino kaya ang kamukha? - The Daily Sentry


Babaeng ikinasal sa manika, nanganak ng manika! Sino kaya ang kamukha?



Kakaibang 'trip' este istorya ang pinaguusapan ngayon sa social media, kung saan ang isang 37-anyos na babae sa Brazil ay na-inlove at nagpakasal sa isang lalakeng manika at ang mas nakakawindang pa dito, matapos ang kanilang honeymoon ay nagsilang umano ito ng isa ring batang manika.

Siya si Meirivone Rocha Moraes, isang babaeng dumaranas ng matinding stress at pangungulila dahil lang sa pagiging 'single'.




Dahil sa pag-aalala, nakaisip ng paraan ang kanyang ina at hindi nito hinayaan na tuluyang lamunin ng kalungkutan ang anak na si Meirivone.

Ipinakilala niya rito ang manikang si Marcelo, 'love at first sight' ang naramdaman ng 37 taong gulang na dalaga sa manikang yari ng kanyang ina.

Hindi na pinalagpas ni Meirivone ang pagkakataon, kaya naman noong December 2021 ay nagpakasal na sila ni Marcelo.

Meirivone Rocha Moraes | Facebook(public photos)

Meirivone Rocha Moraes | Facebook(public photos)


Isang magarbong pagtitipon na dinaluhan ng 250 kataong binubuo ng pamilya kamaganak at mga kaibigan ng dalawa at sinundan naman ng romantikong honeymoon sa isang beach sa Rio Janeiro, Brazil.

Ayon sa mga ulat, inanunsyo ni Meirivone ang kanyang pagdadalang tao bago pa man sila makasal ni Marcelo.

"He got me pregnant. I took the test – it was positive. I couldn’t believe it," ani Meirivone.

Meirivone Rocha Moraes | Facebook(public photos)

Meirivone Rocha Moraes | Facebook(public photos)


Makalipas ang ilang buwan ay isinilang ang anak ng dalawa, isang batang manika.

Tumagal ng 35 minuto ang nasabing panganganak ni Meirivone na siyang ibinahagi rin nito sa social media via Livestream kasama ang kanyang asawang si Marcelo, isang doctor at isang nurse.

"It was a wonderful day for me, very important, very emotional,” sabi nito.

Ipinagtanggol naman ng bagong panganak ang kanyang kaisang dibdib laban sa mga bumabatikos rito. "He was here in 35 minutes and he is great. It really upsets me when people say this is fake. It makes me so angry"

Meirivone Rocha Moraes | Facebook(public photos)


                                                                                                    Meirivone Rocha Moraes | Facebook(public photos)


Isang kahibangan at katatawanan man ang turing ng karamihan sa kakaibang istoryang ito ni Meirivone ay patuloy pa rin ito sa pagtatangol sa kanyang napiling pamilya.

"He is a man I always wanted in my life. Married life with him is wonderful. He doesn’t fight with me, he doesn’t argue and he just understands me. Marcelo is a great and faithful husband. He is such a man and all women envy him,"

Meirivone Rocha Moraes | Facebook(public photos)

Meirivone Rocha Moraes | Facebook(public photos)