PBB Big Winner Anji Salvacion, humagulgol sa pagkapanalo pero walang luha? Netizens nawindang! - The Daily Sentry


PBB Big Winner Anji Salvacion, humagulgol sa pagkapanalo pero walang luha? Netizens nawindang!



Itinanghal bilang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Big Winner ang "Singing Sweetheart ng Siargao" na si Anji Salvacion nakaraang Linggo May 29.

Hindi pa man nga nakakahawak ng mikropono si Anji ay kitang maka-ilang ulit nang nagpapasalamat ito dahil sa kanyang pagkapanalo, habang umiiyak na halos mapaupo pa nga sa sahig.




Pero marami ang nakapuna at tila nagtaka ng mapansin na walang kasabay na luha ang paghagulgol ng dalaga.

Imbis na i-congratulate nga daw ay ito pa ang napansin ng mga netizens na tila hindi natutuwa sa pagkapanalo ni Anji sa PBB.

Halo-halo ang reaksyon ng mga netizens sa iba't ibang social media platforms ukol sa 19 year old Big Winner.

Anji Salvacion Pinoy Big Brother | Facebook

Anji Salvacion Pinoy Big Brother | Facebook


Kita din sa mga maiiksing video ng reality show na humagulgol ito ngunit wala raw luha matapos tanggapin ang higanteng chekeng nagkakahalaga ng P2 million pesos.

"Aabutan ko sana ng tissue kasi iyak ng iyak. wala palang luha hahahahahaa anyway congrats anji."

"Siya lang yung big winner na umiyak na walang luha."

"Tagumpay ang plano! Iiyak ng walang luha mula umpisa hanggang dulo! Anyways congrats."

"Gusto kong pumatak luha ni anji kaso wla. congrats anji"

"Parang t*nga wlang luha." - komento ng mga netizens.

Limang housemates na nagpakita ng katatagan at pagiging totoo ang natira sa Bahay ni Kuya.

Anji Salvacion Pinoy Big Brother | Facebook

Anji Salvacion Pinoy Big Brother | Facebook


Nakakuha ng 40.42% combined votes si Anji Salvacion at inilampaso ang mga kasama sa Big 5 na sina Isabel Laohoo (18.20%), Samantha Bernardo (16.28%), Rob Balckburn (4.01%) at si Brenda Mage na may 1.19% combined votes.

Pagtatanggol naman ng fans ukol sa ipinakitang emosyon ni Anji,

"Sa mga naghahanap ng luha ni Anji, doon nalang kayo maghanap sa mga bashers na 6% at panay BBE, baka umiiyak pa rin mga yun hanggang ngayon! Gagiii lang tologo, pati pag iyak issue sa inyo?"

Anji Salvacion Pinoy Big Brother | Facebook

Anji Salvacion Pinoy Big Brother | Facebook


Pahayag naman ni Anji, "First of all, I want to really say thank you to God for giving me this opportunity and giving me this biggest blessing in life. It is not about the title but it is how people trusted me, that’s my biggest blessing."

Anji Salvacion Pinoy Big Brother | Facebook

Anji Salvacion Pinoy Big Brother | Facebook

Anji Salvacion Pinoy Big Brother | Facebook