Kylie, na-chismis na nabuntis ni Gerald habang nasa ibang bansa; Relasyong Julia at Gerald, nagkakalabuan na daw? - The Daily Sentry


Kylie, na-chismis na nabuntis ni Gerald habang nasa ibang bansa; Relasyong Julia at Gerald, nagkakalabuan na daw?






 
Isa sa mainit na chismis ngayon ng mga marites ay ang umano’y bali-balita na nagkakaproblema na ang relasyon ng mag-jowang sina Gerald Anderson at Julia Barretto, at ang tsikang nabuntis ng Kapamilya actor ang kaniyang bagong leading lady sa pelikula na si Kylie Padilla, habang sila ay nasa Switzerland at nagsho-shooting ng kanilang pelikula.

Isa din ito sa napag-usapan nina  Ogie Diaz, Mama Loi, at Tita Jegs sa kanilang showbiz vlog na “Showbiz Update” nitong Agosto 21.


Nagsimula daw ang chismis nang may blind item ang isang "online Marites" kung saan sinabing tila wala nang larawan si girl at GA, at isang pic at isang video nalang daw ang natira.

Tinag pa nga ng naturang online marites ang tinaguriang “Pambansang Lalaking Marites” na si Xian Gaza at kalat na kalat na nga ang chismis sa iba't-ibang social media.

At ang mas nakakalokang parte ng chismis ay ang pagkakadawit ni Kylie sa isyung hiwalayan ng dalawa.


Larawan mula sa Google (ctto)



Ang balita pa ay umamin na si Gerald na sila na nga ni Kylie at lumalabas pa nabuntis daw ni Gerald si Kylie habang nasa ibang bansa ang dalawa para sa shooting.*

Pero sey naman ni Ogie, hindi kapani-paniwala ang kumakalat na balitang ito dahil hindi naman reliable ang source.

Ayon pa sa kolumnista, malalaman daw na hindi kapani-paniwala ang balita na lumalabas sa YouTube kung naka turn-off ang comments section ng nag post.

“Dapat talaga nakikita yung mukha ng nagbabasa at hindi voice over lang,” ani Ogie

Hintayin na lang daw ang kumpirmasyon ng dalawa at huwag maniwala sa mga maling balita.

Larawan mula sa Google (ctto)



Naungkat din sa usapan kung paanong nagkadevelopan sina Gerald at Julia noon sa isa’t isa, sa kasagsagan ng kanilang shooting ng pelikulang “Between Maybes” habang sila ay nasa bansang Japan.


At ngayong nasa parehong sitwasyon muli sila Gerald, dapat nga bang kabahan si Julia sa tambalang Gerald at Kylie?

Sa kasalukuyan ay wala pa ring tugon ang magkasintahan sa isyung ito, ganun din sa kampo ni Kylie.